Chapter Sixteen

345 30 2
                                    

"HINDI ka na dapat pa sumama sa akin, Drenz. Kailangan ka sa farm ngayon. Hindi ba't harvest ngayon, at darating ang mga trucks bukas para kunin ang harvest niyo?" Kasalukuyan silang nasa law firm ni Armaign sa Ortigas Center.

"Sisihin mo ang sarili mo because you are the reason why I'm out. Hindi ako papayag na lumabas ka nang wala ako," ani ni Drenz. Armaign rolled her eyes.

Binati silang dalawa ng mga paralegal at legal staff sa pagpasok nila. Ganoon pa din ang itsura ng opisina. The office was divided with glass wall panels, at abala ang mga tao sa pagbabasa ng mga case files at pagtatype sa computer. Amoy bookshelf ang buong opisina dahil sa bilang ng mga papel at case files. Nakita muli ni Armaign ang signage sa taas ng reception area. It said "de Guia & Cruz & Associates".

Narinig ni Armaign ang mga yabag ni Drenz sa kaniyang likod at bumulong ito sa kaniya, "Someday that name will have to change into a Samañiego."

Tumikhim si Armaign upang ikubli ang pamumula. Palibahasa ay magkatabi ang apelyido ni Armaign at Sarah kaya ang lakas ng loob nitong magparinig! Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayaw niyang ibunyag na alam na niya ang totoo. They would try to push things that she couldn't handle yet; like changing her last name.

"Armaign!" ani ni Sarah. Naglakad si Sarah palapit sa kanila, "Nasa office ko si Margaret." Nakipagbeso ito kay Armaign at hinalikan sa pisngi si Drenz. "Hello, babe! Let's have our babe time later, okay?" Yumakap pa ito!

Humalukipkip si Armaign at itinaas ang kilay. Babe time mo mukha mo! Ngayon ay alam na niya ang totoo! At hindi lang siya basta ang PDA police nila Sarah at Drenz ngayon. Siya ang totong fiancé kaya walang karapatan si Sarah na hawakan at halikan ang teritoryo niya!

Parang China si Sarah dahil nirereklaim nito ang mga islang hindi nito pagmamay-ari. Parang Pilipinas naman si Armaign dahil hindi niya kayang ipaglaban ang islang pagmamay-ari niya.

Napatingin siya sa diamond ring ni Sarah. Iyon ba ang engagement ring nila ni Drenz? Suot nga ba talaga ni Sarah ang sing-sing ni Armaign?

To begin with, bakit ba nagpapanggap ang mga ito? Pakana ba ito ni Drenz para pagselosin siya?

Drenz cupped Sarah's face and winked. "Missed you, babe," he said, flashing his dimples.

Naimbento ang konsepto ng bitch face para sa mga sitwasyong tulad nito. Sa labas lang siya mukhang cool at collected habang pinapanood ang mga itong naglalandian ngunit sa loob-loob niya, gusto niyang kulamin ang dalawa.

Nang pumasok sila sa loob ng opisina ni Sarah, napuna ni Armaign ang isang babae na nakaupo sa sofa. Ito si Margaret. Siya ay maitim, buto't balat, kulot at buhaghag ang buhok, at mukhang nasa forties and edad nito. Umupo si Sarah sa tabi ni Margaret at tinabihan ni Drenz si Armaign sa kabilang sofa.

Armaign looked at Margaret thoroughly. She tried her brain if there's any recognition at all. Nothing. Useless pea brain! Buhay na buhay ka kapag erotika. Pero kapag trabaho ang usapan natutulog ka? "Pasensiya na dahil wala ako maalala. Nahihiya talaga akong harapin ka ngayon, Margaret. Ako nga pala si Armaign. Pakiramdam ko'y kailangan kong magpakilala sa 'yo." Nararamdaman niya ang mga mata ni Drenz na sinusuri ang mukha niya. Hindi ito pinansin ni Armaign.

Ngumiti ng malungkot si Margaret. "Attorney, pasensiya ka na, huh? Napahamak ka dahil hinawakan mo ang kaso ko."

"Huwag niyo pong sisihin ang sarili niyo. Si Howl ang gumawa nito sa akin. Kamusta na po kayo?"

"Mrs. Sanchez is staying at a safe house you provided for her. The police won't do anything, and you believe that Howl will come after her," Sarah said, "Mrs. Sanchez, maari niyo bang ilahad ang katotohan kay Armaign?"

Into The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon