Prologue

430 18 0
                                    

Nakangiting humarap si Sierra sa mga isdang masayang naglalanguyan sa malinis na tubig ng Damyanti. Buong buhay niya ay wala siyang ibang hinangad kung hindi ang maging malinis ang lahat ng parte ng katubigan sa mundong kinagisnan niya. Si Sierra ang diyosa ng tubig. Ang nag-aalaga sa mga nilalang na naninirahan sa buong katubigan.

"Mahal na diyosa, napakaganda niyo po talaga kapag ngumingiti kayo..." Masayang saad ni Peri. Isa sa pinakamalapit niyang kaibigang isda. Tumawa lamang siya sa sinabi nito.

"Alam mo Peri, ibahin mo naman ang iyong linya. 'Yan na lamang ang palagi kong naririnig mula sa'yo."

"Mahal na diyosa, sinasabi ko ito dahil iyon ang totoo. Marahil nga ay may gusto na sa iyo si prinsipe Mack eh. Naabutan ko siyang nakatitig sa iyo kahapon noong kinakantahan mo kami. Hindi ba't gusto mo rin siya?" Uminit ang pisngi ng diyosa sa sinabi ni Peri.

"Manahimik ka Pero. Huwag ka ngang maingay at baka may makarinig sa'yo. Malalagot pa ako sa mahal na hari." Napanguso siya. Sa lahat ng diyosa sa mundong kinatatayuan nila, si Sierra ang pinakamabait. Maganda rin siya lalo na dahil sa kaniyang hugis pusong mga labi.

"Mahal na diyosa, maaari ko po bang ipaalala sa inyo, na kayo lang ni mahal na Diyosang Hera ang may kakayahang kausapin kaming mga isda?"

"Oo na, basta 'wag ka nang maingay, baka mamaya ay dumating si Hera at marinig niya ang iyong mga sinasabi. Ako pa ang maparusahan ng hari."

Totoo ang sinabi ni Peri tungkol kay Mack. Gusto niya ito— humahanga siya rito. Naaakit siya sa maamong mukha ng prinsipe. Bukod sa hitsura nito, wala ring makakatalo sa kabaitang taglay nito.

Napalingon siya sa kanyang likuran nang may naramdaman siyang presensya ng isang kawal mula sa kaharian. Nakita niya itong papalapit sa kanyang direksyon.

"Mahal na diyosa, pinapatawag po kayo ni Haring Elbio." Pormal nitong wika.

Bagaman ay nalito siya. "Sa anong dahilan?" Tanong niya ngunit agad rin siyang nagsalitang muli, "Mauna ka na lamang, susunod ako." Yumuko ang kawal at agad na umalis.

Kaya niyang lumipad upang mapadali ang kanyang paglalakbay. Kaya niya ring maglaho ngunit mas pinili niya ang maglakad. Habang siya ay naglalakad, hindi sinasadyang nakasalubong niya ang prinsipe na agad na ikinabilis ng tibok ng kaniyang puso.

"Mahal na diyosa, saan ka patungo?"

"Mahal na prinsipe, ayos lang naman sigurong tawagin mo'ko sa aking pangalan. Hindi ibig sabihin na isa akong diyosa, kailangan niyo na akong tawaging ganoon. Hindi naman malaking usapin para sa akin iyon." Saad niya na parang hindi kumukulo ang kanyang tiyan dahil sa kaba.

"Ganun ba? Kung ganoon saan ka pupunta, Sierra?" Ngumiti ito na lalong nagpalakas ng pintig ng puso niya.

"Pupunta po ako sa inyong kaharian. Pinapatawag ako ng inyong ama. Kung inyong mamarapatin ay mauna na ako sa inyo, mahal na prinsipe," Yumuko silang dalawa sa isa't isa at hindi sinasadyang nagtagpo ang kanilang ulo. Tumawa silang dalawa.

"Hayaan mong sumabay ako sa iyo, Papauwi na rin naman ako." Tumango lamang siya kahit na labag sa kaniyang kalooban.

Naglalakad sila at hindi niya mapigilang mailang.

Nakarating sila sa kaharian ng Hans nang tahimik. Nagpaalam si Sierra na pupunta na sa loob ng palasyo kung nasaan ang kanilang hari. Habang siya ay papasok, hindi niya mapigilang mamangha ng paulit-ulit sa mga bagay na nasa loob ng kaharian. Puno ito ng mga larawan na gawa mismo ng hari. Mga bulaklak na nakalagay sa paso at mga mumunting diwata na nakapalibot rito.

"Mahal na Diyosa, ikaw ba ay mayroong ideya kung bakit kita pinatawag?"

"Paumanhin kamahalan, ngunit wala po akong alam sa kung ano ang inyong nais na sabihin sa akin." Marangal niyang sagot.

"Diyosa, nakauwi na si Buster mula sa mundo ng mga tao. Ngunit hindi niya dala ang aking anak sapagkat mahirap daw itong hanapin. Nakikiusap ako, tulungan mo kaming mahanap ang aming anak..."

"Ngunit kamahalan, kung hindi nagawa ni Buster, paano na ako? 'Di hamak na mas may alam siya kaysa sa akin."

"Ngunit inaasahan kong ikaw ang pinakamalakas sa lahat ng diwata dito sa buong Hans. At ikaw ang isa sa alam kong kayang makipag-usap sa mga hayop. Maraming hayop sa mundo ng mga tao. Maaari mo silang pag tanungan. Bagay na hindi kayang gawin ni Buster."

"Mahal na hari, ang kaya ko lamang kausapin ay ang mga hayop na may kinalaman sa tubig. Maaari ninyong tawagin si Hera upang siya ang gumawa nito."

"Bakit? Mahirap ba para sa iyo ang gawin ito, mahal na diyosa? Nakikiusap ako sa iyo, hanapin mo ang prinsipe. Hanapin mo si Indigo." Hindi siya makapaniwalang nakikiusap sa kanya ngayon ang hari. Mukhang wala na akong pagpipilian.

"Gagawin ko, mahal na hari." Yumuko siya ng kaunti.

"Maraming salamat, mahal na Diyosa. Marahil ay ihahatid ka ni Buster sa lagusan at sasabihin niya sa iyo ang mga patakaran sa mundo ng mga tao. Marami na siyang alam tungkol doon."

Naglakad siya patungo sa lugar kung saan parati niyang nakikita si Buster. Sa ilog.

"Marahil ay alam mo na ang sinabi ng hari. Maaari na ba tayong umalis ngayon?" Tumango ito at agad na iwinagayway ang kulay berde nitong pakpak. Sinundan niya ito gamit din ang kanyang kulay asul na pakpak.

Nang marating na nila ang lagusan, agad siyang hinarap ni Buster.

"Mahal na diyosa, may mga bagay na hindi mo pa alam sa mundong iyong pupuntahan. Diyosa, ito ang iyong tatandaan. Ikaw... si Sierra Montel. Isang taong ulila sa magulang. Kailangan mo ito upang hindi magtaka sa iyo ang mga tao. At kailangan mong isipin ang kaharian upang mawala ang iyong pakpak. Iwasan mong gamitin ang iyong kapangyarihan sa mundong iyon. 'Wag kang magpadalos dalos sa mga gagawin mo. At iwasan mong maging masaya sa mundo ng mga tao dahil mahirap itong pakawalan. Mahirap, Mahal na Diyosa. Naranasan ko narin iyon..." Tumango ang diwata at agad niyang inisip ang kaharian upang mawala ang kaniyang munting pakpak.

"Hanggang kailan ako mananatili sa mundo ng mga tao?"

"Hindi ko rin alam mahal na diwata. Maaari niyo po sigurong tawagin ang hari kung hindi mo na kaya."

"Tawagin ang hari? Paano?"

"Gamitin mo ang iyong kapangyarihan upang tawagin siya. Ngunit siguruhin mong walang kahit sinong makakakita sa gagawin mo." Tumango siya sa sinabi ni Buster.

"Handa ka na ba mahal na Diyosa?"

Huminga ako ng malalim. "Handa na ako."

Iniharap ni Buster ang kanyang kamay sa isang malaking puno at biglang lumitaw ang isang liwanag. "Mag-ingat ka mahal na diyosa. Isipin mong mabuti ang aking mga sinabi."

Huminga siya ng malalim bago pumasok sa isang nagliliwanag na lagusan.

Nang makalabas siya, isang lugar kung saan maraming puno ang nakatayo ang bumungad sa kaniya. Ibang klaseng hangin ang kanyang nalalanghap at 'di hamak na mas presko ang hangin sa kanilang mundo. Naglakad siya patungo sa isang malaking puno at humiga.

Ang hindi alam ni Sierra ay dito magsisimula ang bago niyang buhay. Isang buhay na hindi niya inaasahan.

~pinkylats25

A/N:

Hope you like the prologue guys. Actually, in my first story which is teen fiction, I do not have a prologue. You know, first time. Thank You! ❤❤❤

Comments and Votes will be highly appreciated 😊

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon