'Xander Monterde'
"Miss, saang costume party ka galing? Ganda ng suot mo ah." Tumatawang wika ng isang lalaking nakasalubong ko sa kalsada. Suot ko parin ang damit na suot ko sa aking mundo. Isang puting toga. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin si Prinsipe Indigo. Kaya't naglalakad ako sa kawalan dito sa kalsada.
"Paumanhin ngunit, anong c-costume party?" Tumawa na naman siya na para bang may nakakatawa sa mga sinasabi ko.
"Seryoso ka Miss? O baka naman nakadrugs ka? Sayang ang ganda mo pa naman. At magpasalamat ka at mabait ako kahit konti. Kung hindi kanina pa kita ni-rape." Umalis ito ng walang pasabi. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ang daming palasyo sa lugar na ito. At malaki pa ang mga ito. Ngunit di hamak na mas malaki ang kaharian ng Hans.
Bigla akong napatingin sa kalsada nang marinig ko ang isang ungol ng isang hayop. Agad ko itong nilapitan.
"Ayos ka lang?" Tanong ko dito. May pilay ito sa kanyang paa na para bang may kung anong bagay ang tumama dito. Sa pagiging abala ko, bigla akong napahinto sa paghimas sa kanyang balahibo nang makitang may paparating na liwanag. Ano iyon?
Bigla itong huminto sa kinaroroonan ko.
"Miss, ano bang gi-" Napahinto siya nang makita ako. Tinitigan niya ako ng makahulugan.
"Paumanhin, tinulungan ko lamang ang nilalang na ito. Parang may nakadagan kanina sa kanyang paa." Tiningnan ng lalaki ang nilalang na sinasabi ko at agad na lumupasay sa kalsada. Ngunit agad ding nakatayo nang tumahol ito. Galit na galit ang nilalang habang tinatahulan ang lalaki.
"B-bakit siya galit sa akin? Tapos sa iyo hindi? Ano bang trip ng asong ito?" Tumawa ako sa kanyang mukha. Namumula siya at parang natakot sa ginawa ng 'aso'.
"Marahil ay hindi lamang siya sanay. Marahil din ay nakilala niya a-" Napatigil ako nang matandaan ko ang sinabi ni Buster.
"Miss, bakit nasa kalsada ka nang ganitong oras? Delikado dito lalong-lalo na sa iyo, babae ka pa naman. Nga pala, anong pangalan mo?"
"Ako nga pala si Sierra."
"Buong pangalan." Napatingin ako sa kanya. Oo nga pala.
"Sierra Montel. Ikaw, ginoo?" Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
"Ibang klase, napaka pormal mo naman Sierra. Ako nga pala si Xander Monterde. Saan ka nakatira at nang maihatid kita."
Bigla na lamang akong kinabahan sa kanyang tanong. "W-wala akong tirahan." Mahinang sambit ko. Napatingin siya sa aking nang nakakunot ang kanyang noo.
"Anong ibig mong sabihin? Imposibleng wala kang bahay e ang ganda nga ng suot mo e." Umiling lamang ako sa kanya. Bumuntong-hininga siya at saka nagsalita. "Sige, isasama muna kita sa bahay, kaysa naman manatili ka dito sa kalsada. Baka ano pang mangyari sa'yo. Dali sakay na sa kotse."
Nanatili akong nakatayo sapagkat hindi ko alam kung paano buksan ang 'kotse' na tinukoy niya. Lumabas siyang muli sa kulay pulang kotse at humarap sa akin.
"Alam mo Sierra, hindi ko alam kung anong nangyayari sayo pero bahala na." Ginulo niya ang kanyang buhok at binuksan ang bagay. "Sierra, maaari mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari sayo? Kasi ang hirap makipag-usap sa taong hindi ka naiintindihan e."
Hindi ako sumagot sapagkat hindi mo rin alam ang isasagot ko. Nanatili akong tahimik.
Naglakbay kami sakay ng kotse ni Xander. Sobrang tahimik ng kapaligiran. Walang nangahas na magsalita dahil wala rin naman siguro kaming dapat pag-usapan. Tumigil ang kotse sa isang malaking gusali. Naunang lumabas si Xander sa kotse at agad na pumunta sa harapan kp. Binuksan niya ang pintuan at agad akong lumabas. Binuksan niya ang napakalaking gusali at bumungad sa akin ang isang malaking palasyo. Ngunit di hamak na mas malaki ang kaharian ng Hans.
![](https://img.wattpad.com/cover/177281028-288-k836577.jpg)
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...