Chapter 17

92 9 0
                                    

CHAPTER 17

NAKAUPO kami ngayon sa isang batong silya habang ako ay nakikinig lamang sa mga sinasabi sa akin ni Razaliah. Ang aking Hati.

"Dalawang oras na lamang ang natitira para sa akin, Sierra. Limang oras akong makaka paglakbay sa kung saan ko gustong pumunta. Kapag hindi ako nakabalik pagkatapos ng limang oras, mamamatay ako."

"Bakit?"

"Dahil iyon ang sabi sa akin ng Prinsesa ng Shannon."

"Si Selene? Ano ang kinalaman niya sa mga nangyayari sa atin?"

Kumunot ang noo niya. "Hindi mo ba talaga ni minsang inisip na maaaring si Selene ang may gawa ng lahat ng ito? Siya lamang ang may galit sa Hans. Siya na lamang ang natitirang maharlika sa Shannon."

Napailing ako. Ni minsan hindi ko nga iyon naisip. Masyado akong nakapokus sa kung ano ang nangyayari sa Hans o sa Damyanti.

"Hindi na ako magtataka kung ganyan ka. Isa kang mahinang diwata dahil nagpapaapekto ka kaagad sa iyong damdamin. Iyan rin ang nangyari sa iyong ina, Sierra. Masyado siyang madamdamin."

Nasaktan ako sa kanyang sinabi. Hindi ako nagsalita at hinayaan kong siya na lamang ang magsalita.

"Hindi ko pagsisisihan ang mga sasabihin ko sa iyo. Pamilya mo ako at kailangan kitang tulungan. Hindi ka mabubuhay kung hindi mo kokontrolin ang iyong damdamin. Pairalin mo ang iyong isip. Iyon ang masasabi ko sa iyo.

"Masusunod, Hati. Ngunit maari bang huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa akin? Sabihin mo sa akin kung ang buo mong nalalaman sa mga nangyayari sa kabilang mundo."

Tumango siya. "Nang makita ako ng Prinsesa ng Shannon, ikinulong niya ako sa isang kubo malapit sa kanilang kaharian. Ngunit pagkatapos ng ilang buwan ay ipinanganak ko si Aliway. Kaya naglakas ako ng loob na tumakas. Ngunit hindi na nakaya ng aking kapangyarihan. Gayunpaman, hindi parin ako nabigo dahil nagawa kong bigyan ng sumpa ang kubong iyon. Makakalabas ako ngunit kailangan kong muling bumalik. Nagkaroon ako ng pagkatakot nang maisilang ko ang aking anak, kaya minabuti kong saglit na umalis upang itakas siya.

"Ang mundo ng Aquaria lamang ang aking naisip. Ang mundong ito ay siyang aming tahanan ng aking kapatid. Kaya gamit ang natitirang kapangyarihan kong tubig, nagawa kong makatawid sa kabilang mundo nang walang sinuman ang makakakita. At dito ko siya itinago. Binigyan ko ng proteksyon ang kweba upang hindi mapahamak ang aking anak. Lungkot ang aking nadarama sa mga oras na iyon dahil walang kahit sinong ina ang gugustuhing malayo sa kanyang anak. At alam kong alam mo iyon."

Tumingin siya sa akin. "Oo. Iyon ang bagay na pilit kong iniiwasan, Hati. Ang malayo sa akin ang aking anak."

Tumango siya. "At nang maipasok ko si Aliway sa kwebang ito, nagulat na lamang ako nang isang araw matapos iyon ay dinala ako ni Selene sa isang silid sa loob ng palasyo..."

"P-palasyo?"

"Oo. Ang palasyo ng Hans. Doon ko nalaman na siya na ang namumuno sa kahariang iyon."

Tila isang malakas na pagsabog ng bulkan ang tumama sa aking dibdib sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala. Papaano nangyari iyon?

"Kay tagal kong hinintay ang iyong pagbabalik. Mahal ko."

Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang maalala kong muli ang mga katagang iyon.

Mabilis na nalipat ang tingin ko kay Hati Razaliah. "S-si Ulysses? Alam mo ba kung nasaan siya? Ayos lang ba siya?" Sunod-sunod Kong tanong.

"Hindi ko alam. Nakakulong ako. Hindi ko alam." Umiiling niyang wika. "Isa rin siya sa dahilan kung bakit naagaw ang kaharian nila. Masyadong mahina ang prinsipeng iyon."

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon