CHAPTER 15"Sierra, tulungan mo ako, nagmamakaawa ako sa'yo..." Isang tinig ng babae ang narinig ko. Napakahina nito ngunit sapat upang marinig ko.
Inilibot ko ang aking paningin sa palasyo. Napakunot ang aking noo nang makilala ko ang lugar. Nasa loob ako ng kaharian ng Hans. Ngunit paano ako dumating dito?
"Sierra, tulungan mo'ko... Parang awa mo na..." Muling pukaw sa akin ng tinig. Napaka pamilyar ng boses. Para bang narinig ko na ito dati.
Alam ko.
Minabuti kong silipin ang mga silid na nasa palasyo ngunit wala akong nakitang kahit isa sa mga ito. Walang Adamyan...
Nabaling ang tingin ko sa gitna nang makakita ako ng malaking pintuan. Nagsitayuan ang aking balahibo nang makita kong hindi ordinaryo ang kulay nito kumpara sa ibang pinto. Dahan dahang naglakad ang aking mga paa papunta rito. Bawat hakbang ko patungo rito ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Nang nasa tapat na ako ng pinto, nanginig ang mga kamay ko.
Ano ba ang naririto sa silid na ito?
Bakit ako kinakabahan?
Hinawakan ko ang busol ng pinto at dahan dahan ko itong tinulak. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan, nilamon na ako ng kadiliman. May humila sa akin papasok dito. Sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit hinang hina ako. Alam kong may usok sa loob dahil naamoy ko ito. May kung anong kapangyarihan sa loob na humihigop sa aking lakas.
Nahihirapan na akong huminga. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang may humawak sa aking baba at itinaas ito. Bago pa mawala ang aking ulirat, narinig ko pa ang mga sinabi ng boses ng isang lalaki.
"Kay tagal kong hinintay ang iyong pagbabalik. Mahal ko."
NAPAKABILIS ng aking paghinga. Tila may humawak sa leeg ko upang hindi ako makahinga. Tiningnan ko ang paligid. Nakahinga ako ng malalim nang makitang nasa ilalim parin ako ng tubig. Nasa Aquaria parin ako.
Naipikit ko ang aking mga mata kasabay ng malalim na paghinga.
Ano ang nais ipahiwatig ng panaginip kong iyon? Paano ako nakarating sa Hans?
Kanino nanggaling ang boses ng babaeng narinig ko?
Ano ba talaga ang nasa loob ng silid na iyon?
Nanikip ang dibdib ko nang maalala ang huling boses. Kanino nanggaling ang boses ng lalaking iyon?
"Kay tagal kong hinintay ang iyong pagbabalik. Mahal ko."
"Kay tagal kong hinintay ang iyong pagbabalik. Mahal ko."
"Kay tagal kong hinintay ang iyong pagbabalik. Mahal ko."
Ibinato ko ang nakita kong isang baso sa gilid ng aking higaan. "Ahhh!!!" Pinilit kong hampasin ang aking ulo nang magpabalik balik ang boses na iyon sa aking isipan. Tumutulo na ang aking luha.
Iiling iling ako habang lumalakas ang aking paghagulhol.
Isang malakas na kalabog ng pinto ang aking narinig.
"Sierra! Ano ang nangyayari?!" Niyakap niya ako.
"Inang, hindi ko na alam ang gagawin ko, Inang. Hindi ko na talaga alam..." Panay parin ang pag hagulhol ko.
"Shhh, ayos lamang iyan. Makakalimutan mo rin iyan. Panaginip lamang iyan."
"Inang, hindi iyon basta panaginip lang. Alam kong may gusto itong ipahiwatig. Inang, babalik na ako ngayon sa Damyanti. Kailangan ko nang bumalik doon."
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...