'Pag-amin'
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang pag-uusap namin ni Sir Ulysses. At nagkakaroon na ako ng plano para mapatunayang siya ang hinahanap ko. Mag-isa. Mag-isa kong nireresulba ang bagay na ini atas sa akin.
"Sierra, pasensya ka na talaga kung hindi na kita masyadong natutulungan nitong mga nakaraang araw, busy kasi ako sa school kaya nawawalan na ako ng oras." Napalingon ako kay Xander na ngayon ay naka dikwatro sa upuan ng kanilang sala. Kakauwi ko lamang galing sa trabaho.
"Ayos lang, Xander. Hindi mo naman talaga responsibilidad ang tulungan ako. Sapat nang pinatira, pinakain, at hinayaan mo'kong makapagtrabaho. Ako pa nga ang dapat na humingi sa'yo ng tawad kasi masyado na akong sagabal sa'yo."
"No way. Hindi ka sagabal okay? Nagpapasalamat nga ako kasi dumating ka sa bu-." Napatigil siya at napaiwas ng tingin. "Nevermind. Narinig kong nag-uusap na kayo ni Ulysses? I'm telling you, iwasan mong mapalapit sa kanya. Hindi mabuti ang maidudulot niya sa'yo. Tahimik siya, aakalain mong napakainosente pero siya na ang pinakamatinik sa babae." Pag-iiba niya ng usapan.
"Saan mo naman nakuha ang impormasyong iyan? Oo nakikipag-usap siya sa akin pero wala naman siyang ginagawang masama. Sa tingin ko mabuti naman siyang tao." Yun ay tingin ko lang. Hindi ko pa siya nakikilala ng lubusan pero alam kong may parte sa kanya na mabait. Hindi nga lang maganda ang una naming pagkikita.
"Still. Iwasan mo siya. Ayokong mapalapit sa kanya." Tuluyan na akong nalito sa sinabi niya.
"Xander, bakit ang sama ng tingin mo sa kanya? Bakit parang kilalang kilala mo siya? May nagawa ba siyang kasalanan sa'yo?"
"Wala. Kung ayaw mong makinig sa'kin, bahala ka. Basta hindi ako nagkulang sa pagpapa-alala sa'yo." Magsasalita pa sana ako nang padabog siyang tumayo at naglakad papunta sa kanyang kwarto.
Mahina akong napabuntong hininga at pumasok sa silid nang may nalilitong isip. May sarili na akong silid sa pamamahay na ito. Nagpapasalamat ako at sila ang pamilyang natagpuan ko. Bago ako pumasok sa silid, napadako ang paningin ko sa pinto ng silid ni Xander. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganoon.
--
Kinabukasan ay hindi ko na nasilayan si Xander dahil maaga itong pumasok sa paaralan. Hatinggabi na akong hindi nakatulog dahil sa ekspresyon na ipinakita niya sa akin.
Ngayon ko gagawin ang plano ko. Papasok ako sa lugar kung saan nakatirik ang puno matagal nang bumabagabag sa isip ko. Gagawa ako ng paraan upang maipit si Ulysses sa bitag ko. Maaaring wala ang simbolo sa kanyang leeg ngunit hindi nangangahulugang hindi na siya ang prinsipe.
"Leona, mauna ka nalang sa rest house. May tiwala naman ako sa mga kasama natin kaya ayos lang. Tatapusin ko na muna itong pagpapakain sa mga isda." Saad ko.
"Naku! Hindi ka naman siguro gagawa ng kahit ano di'ba? Kasi napansin kong bigla-bigla ka na lang nawawala sa paningin ko nang hindi ko nalalaman kung saan ka pumunta. Baka mamaya ano pa ang mangyari sa'yo." Inirapan niya ako bago inilapag ang hawak na walis saka lumapit sa akin.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng masama. Kung hindi, hindi na kita friend." Bahagya akong natawa nang ininguso niya ang kanyang labi dahilan upang maging mas maganda siya sa paningin ng lahat.
"Hindi. Promise, wala akong gagawin." Nagkibit-balikat siya at tuluyan na akong iniwan.
Nang masiguro kong wala na siya, agad kong itinago ang pagkain ng mga isda at inilagay sa tamang lalagyan. Agad nagtungo ang aking mga paa sa daan patungo sa lugar kung saan una kong nasilayan ang boss ko.
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...