'Kaparusahan'
NAGLAKAD ako sa labas ng Hans kinabukasan. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa aking nakikita. Wari patay na patay na ang kapaligiran. Ngayon ko gagawin ang lahat. Ibabalik ko sa dati ang lahat. Pumunta ako sa lugar kung saan palagi akong nananatili.
"Peri?" Tawag ko sa isdang palagi kong kausap. Maski ang ilog ay madumi. Hindi ko mapigilang isipin, inaalagaan ba talaga ito ng iba pang diwata? Hindi magiging ganito ang anyo ng tubig kung ginawa nila ang kanilang makakaya.
"Mahal na diwata, mabuti naman at nakabalik na kayo. Tulungan niyo kami mahal na diwata, nahihirapan na kami dito." Nanghina ako sa sinabi ni Peri.
"Gagawin ko agad ito." Lakas loob akong umayos ng tayo. Ipinikit ko ang aking mga mata at itinaas sa himpapawid ang dalawa kong kamay. Bago ko pa man tuluyang magawa ang aking dapat gawin, naramdaman ko na ang paglipad ng katawan ko sa ere. Ramdam ko ang pananakit ng likod ko nang tumama ito sa isang puno. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at natagpuan ang isang nilalang na may takip sa mukha. Makapal ang suot nitong balabal.
"Sino ka?" Tanong ko rito.
"Hindi mo na kailangang malaman pa, diwata. Isa lang naman ang pinunta ko dito. At yun ay ang pigilan kang gawin ang gusto mo." Nakaramdam ako ng kaba nang lumabas ang kulay itim na usok mula sa kanyang kamay. Kasabay ng pag-atake niya ay ang paglabas ng tubig mula sa aking kamay.
Hindi ko nagawang tamaan siya kaya sinunod sunod ko ang pagsugod ko. Ngunit hindi talaga ako makatama. Magaling siyang umilag kaya't nahirapan ako.
Pinagmasdan ko ang kanyang kaanyuhan at napagtantong hindi siya taga-Hans. Itim ang kanyang kapangyarihan kaya kailangan kong mag-ingat.
Nanghihina na ako dahil sa sunod sunod na paggamit ko sa kapangyarihan ko at gayundin siya. Ginamit ko nalang ang aking pisikal na kakayahan at sinipa ang kanyang balikat. Ang sunod kong ginawa ay ang pag-ikot. Tatamaan ko na sana ang kanyang mukha nang nasalo niya ang aking paa. Mahigpit niya itong hinawakan, nagulat na lamang ako nang inikot niya ako at inihagis sa isang puno. Nalalasahan ko na ang aking sariling dugo mula sa aking labi at ilong. Nananakit narin ang aking buong katawan.
"Sino ka ba?! Bakit mo ba ginagawa 'to?!" Puno ng galit na sigaw ko.
"Huwag mo nang subukang ibalik sa dati ang lahat. Hindi na namin hahayaang maging masaya ulit ang Hans."
"Hans? Kung ganun ay ang Hans lang ang may ganitong suliranin? Bakit?" Natawa ang lalaki sa sinabi ko.
"Sino ka ba para magtanong?" Lumabas na naman ang itim na kapangyarihan sa kamay niya ngunit laking gulat ko nalang nang tumigil ito sa ere. Hindi nakagalaw ang lalaki. At isang nilalang ang nakakuha ng atensyon ko.
"Bakla ka ba? Babae yan tapos lalabanan mo?" Nakapamulsang naglalakad sa direksyon namin si Ulysses. Kitang kita ko ang takot sa mga mata ng lalaki. Hindi ko nga lang maayos na nakikita ang kanyang mukha dahil sa takip nito.
Labis na lamang ang pagkagulat ko nang may lumabas na dugo sa bibig ng lalaki at wari ay hindi makahinga. Ngayon ko napagtanto kung gaano ka delikado ang kapangyarihan ng Prinsipe. Kaya niyang manipulahin ang lahat ng bagay o nilalang ng walang kalaban laban.
"Mahal na prinsipe tama na. Hindi niya na kayang lumaban kaya hayaan mo na siya." Tinitigan niya sandali ang lalaki saka ito nalugmok sa lupa. Lalapitan ko sana ito nang bigla itong naglaho.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango lang ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka napunta sa lugar na ito?"
"I don't know. Basta nalang naglakad ang mga paa ko papunta dito. Tapos parang kinakabahan ako, and there, nakita kita dito." Yumuko ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...