CHAPTER 19“Kung pag-iisa-isahin natin ang ating mga kapangyarihan, maaari nating masira ang pintuang iyan.” Mungkahi ni Hera.
Umiling ako. “Hindi. Hindi natin maaaring ipahalata na nakalabas tayo. Kapag nalaman nila iyon, malaki ang posibilidad na hindi natin magawang muli ang ating misyon dahil pipigilan nila tayo. Mas makabuting Isa lamang sa atin ang lumabas.”
Nagkatinginan silang lahat. “Ikaw ang lalabas?” Tanong ni Adrijah.
Tumango ako. “Hayaan niyong makabawi ako sa kahariang ito. Kapag nailigtas ko na si Ulysses mula sa silid na iyon, saka na kayo lumabas.”
Tumango lamang sila sa sinabi ko. Tumayo si Adrijah. “Gamitin mo ang hangin na aking kapangyarihan. Hindi ka makikita ng mga kaaway dahil mapapalibutan ka ng hangin.”
“Gamitin mo ang aking liwanag upang gabayan ka sa iyong laban. Sa pamamagitan ng aking liwanag, makikita namin kung ano ang nangyayari sa iyo. Kaya't makakarating kami kung kami ay iyong kailangan.” Sabi ni Asia.
“Sasama sa iyo ang aking kalapati, Sierra. Siya ang magsasabi sa iyo kung mayroon mang darating na kalaban.” –Hera.
“Hindi mo magagamit ang aking kapangyarihan. Ngunit asahan mong ako mismo ang unang darating kapag kinakailangan mo ng tulong.” Wika ng diyosa ng apoy.
Napangiti na lamang ako.
“Nagkakamali sila ng kinalaban. Nakakalimutan yata nilang mga diyosa ang nagbibigay proteksyon sa mundong ito. Hindi nila tayo matatalo. At hindi tayo magpapatalo.” Tumango kaming lahat sa sinabi ni Adrijah.
“Maraming salamat sa inyong lahat.”
“Ina...” Napalingon ako sa aking anak. “Hindi ba ako maaaring sumama?”
“Hayaan mo na munang si Ina ang gunawa nito. Ayokong masaktan ka kapag lumabas ka roto, anak.”
“Ngunit hindi ako masasaktan. Malakas na ako upang tulungan ka, Ina.” Pagpupumilit nito.
“Dito ka nalang, anak. Kapag muli tayong nagkita, kasama ko na ang iyong ama.” Tumahimik na nga siya. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at hinalikan ito. “Babalik si Ina. Pangako iyan.” Tumango lamang siya.
Tumalikod na ako sa kanya at humarap sa mismong pintuan. Sumunod naman ang aking mga kasama. Sabay-sabay naming itinapat ang aming mga palad sa pintuan. Sabay rin naming sinabi ang ritwal na makakapagbukas sa pintuan. Hindi ito lumiwanag dahil baka mapansin iyon ng mga kawal na nagbabantay sa labas.
Tila naging hangin na ngayon ang pintuang aming nakikita dahil nakikita ko na ang mga kawal na nagbabantay sa pintuan. Nasisiguro kong kami lamang ang nakakakita nito dahil maski ang kawal na nakaharap rito ay hindi umimik.
Muli kong ibinalik ang aking paningin sa mga diyosang nasa aking likuran. Wala akong ibang sinabi kaya naman tumango na lamang ako.
Dahan-dahan akong naglakad papalabas sa pintuan. Nang tuluyan na akong makalabas, hindi ko na muli pang nakita ang mga kasamahan ko dahil nakasarado na ang pinto.
Mahabang buntong hininga ang ginawa ko. Kaya ko 'to.
Lumingon ako sa silid ni Ulysses. Bumilis muli ang tibok ng puso ko. Nandito na ako. Maililigtas na kita, mahal ko...
Ngunit hindi pa ngayon. Kinakailangan ko munang libutin ang kahariang ito. Marahil ay may mga bagay akong maaaring malaman upang makatulong sa pagbawi ko sa kahariang nararapat lamang kay Ulysses.
Naglakad ako papalabas sa lugar na iyon at dumiretso sa lugar kung saan naroon ang trono. Nakita ko room si Selene. Suot niya na ngayon ang korona ni Reyna Beaumont.
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
ФэнтезиIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...