"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Hera.
"Ayos lang ako." Pagkatapos naming mag-usap ni Ulysses, inihatid ko siya sa kaharian upang makapagpahinga. Alam ko napagod ito dahil hindi ito sanay na makipaglaban. At ayokong madamay pa siya sa gulong ito.
"Palagi nalang nasisira ang mga plano natin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Patawarin niyo ako kung naging bobo ako." Natigilan ako sa sinabi ni Adrijah.
"Ano bang pinagsasabi mo? Wala ka namang kasalanan e. Lahat tayo kumikilos, Adrijah. Hindi lang ikaw. Kung anong pagkakamali ng isa, damay tayong lahat." Ani Hera.
"Sandali, nasaan si Agastya?" Awtomatiko kaming napalingon sa kalangitan. Apoy at itim na usok ang tanging makikita dito. Nasigaw ko ang pangalan ni Agastya nang makitang eksperto itong nakikipaglaban sa isang lalaking may takip sa mukha. Panay ang atake nito sa kalaban na agad din namang nasasalag.
"Paano sila nakakalipad?"
"Pati ba naman si Asia nawawala din?! Bakit hindi natin napansing wala ang dalawang yun?!" Gigil na sigaw ni Adrijah. Isang malakas na liwanag ang bumuo sa aming likuran at natagpuan ang diwata ng liwanag na nakikipag laban sa isang lalaki. Sa pagkakataong ito, walang takip ang mukha ng lalaki kaya agad ko itong nakilala. At nanlamig ang katawan ko nang makita ang mukha niya.
"Ama..." Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang nakikipag-laban. Pati sina Adrijah at Hera ay nakikipaglaban narin sa mga Sinatrang dumating. Hindi ako makapaniwalang nandito na ulit ang ama ko. Ang amang iniwan aki at ang aking ina para lamang sa kapangyarihan.
Nanubig ang mata ko nang makitang nakatingin ito sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya. Pati si Asia ay natigilan sa ginagawa ko.
"Sa lahat ba naman ng pagkakataon ngayon pa tayo nagkita. Ama." Walang pasabing tumilapon ang katawan niya sa isang puno nang malakas ko siyang sinipa. Mahal ko siya pero galit ang nangingibabaw sa akin. Nagtatagis ang bagang ko habang nakatayo sa harapan niya. "Masaya ka na ba ngayon?"
"Wala kang galang!" Akmang sasampalin niya ako nang ginamit ko ang aking kapangyarihan upang mawalan ng kaunting tubig ang katawan niya.
"Ang isang katulad mo ay hindi dapat igalang. Naturingan pa namang isa kang matalinong tagapagsilbi ng hari. Sakim ka! At hinding hindi kita mapapatawad! Pinatay mo si ina!" Handa na akong suntukin siya nang isang bato ang tumama sa ulo ko dahilan upang mapahiga ako sa lupa.
"Ang lakas ng loob mong saktan ang sarili mong ama, diwata. Ang lakas ng loob mong saktan ang aking kanang kamay." Si Reyna Nirvana ang unang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang boses nito. Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman ko sa sinabi niya. Sa kanya pala pumapanig ang magaling kong ama. Tumingin ako kay Asia na nakikipaglaban sa mga sinatrang dumarating.
Mabilis kong sinipa ang tuhod ng reyna at dali-daling tumayo. Umikot ako upang sipain ang mukha ng ama ko. Nang tuluyan ko itong magawa, dumistansya ako upang gumawa ng bolang tubig at inihagis sa kanilang dalawa. Ngayon iniisip ko nang nagtataksil ang reyna sa kanyang asawang hari dahil mukhang malapit sila sa isa't isa ng kanyang ama.
Iba't ibang bagay ang lumipad sa ere at umaatake sa akin kaya agad ko itong hinarangan ng tubig. Pati ang magaling kong ama ay inaatake narin ako ng mga suntok at sipa na nasasalo ko naman kaagad. Parang hindi niya na ako kilala kung atakihin niya ako. Wala na talaga ang ama na inidolo ko. Hindi niya magagamit ang kapangyarihan niya ngayon dahil ang kapangyarihan nito ay ang ibalik ang oras. Nang tumigil ang pag-atake ng dalawa, tumalon ako sa isang sanga at kasabay ng pag apak ng mga paa ko sa lupa ay ang pagtapon ng mga katawan nila sa kung saan parte ng kagubatan dahil sa lakas ng kapangyarihang ibinigay ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...