Chapter 3

148 15 0
                                    

'Degrassi'

Mahigit isang linggo na ang nakakalipas nang magsimula akong magtrabaho sa fishery. Patuloy lang din ako sa paghahanap sa mahal na prinsipe kasama si Xander. May mga bagong salita na akong nalalaman dito sa mundo ng mga tao kagaya na lamang ng 'yes' 'promise' 'thank you' 'your welcome' at pati narin ang 'I love you' at iba't iba pang mga salitang Ingles.

Sa loob ng isang linggo, isang bagay lang ang hindi mawala wala sa isip ko. At yun ay ang punong aking nakita sa dulo ng lawang aking pinagtatrabahuhan. Ngayon ko lamang napansin na may pagkakahawig ito sa puno ng Degrassi. Ang punong ito ay nakakapag pagaling ng kahit na anong sakit. Nagbibigay ito ng preskong hangin sa mga nilalang na nakatira sa kaharian. Ito ay makikita lamang sa likod ng kaharian ng Hans dahil walang kahit sinong may kayang maitanim ito kung hindi ang mga maharlika lamang.

Kaya nga nalilito ako kung bakit may pagkakahawig ang punong ito sa puno na inaalagaan ni Sir Ulysses. Simula palang noong nakausap ko si Leona ay hindi na maialis sa akin ang pagdududa. Maari kayang siya ang hinahanap ko? Hindi ko ito binanggit kay Xander dahil ayokong magbintang. Mamaya ko na lamang sasabihin sa kanya kapag may pruweba na ako.

Mahal na Bathala, sana naman ay siya na ang hinahanap ko. Kailangan kong makahanap ng ibedensya. Ang simbolo!

Kailangan kong makita iyon sa kanyang leeg. Kailangan kong mapatunayan na siya si Prinsipe Indigo!

"Hoy! Bakit ba parang naging tuod ka naman ata diyan. Sierra, kailangan na nating tapusin 'to. Baka mamaya maabutan pa tayo ni Sir Ulysses my loves na nakatayo dito, lagot tayo." Reklamo ni Leona.

Nagwawalis kami ngayon sa gilid lawa. Maraming mga dahong nagsisi laglagan sa lupa. Wala kaming pasok kahapon dahil gusto ni Mrs. Lindy na magpahinga ang lahat ng kanyang mga trabahante.

"Eto na nga oh." Binilisan ko na lamang ang pagwawalis. At nang matapos kami, agad kaming umupo sa upuan. Ang mga lalaking kasama namin ay nasa labas ng lawa dahil nagpipinta na sila. Nais ni Mrs. Lindy na mabago ang disenyo ng kanilang paskilan. Masyado na itong luma kung titignan. Kumuha siya ng ideya mula sa aming lahat at ang aking ideya ang kanyang napili.

Ang magiging disenyo nito ay isang kulay asul na pintura ang gagamitin para gawing lawa. Guguhitan ng mga isdang masayang lumalangoy sa kulay asul na lawang ito. May puno sa gilid at isang babaeng nakatingin sa mga nilalang at isang taong nakatingin sa babae habang panay ang ngiti. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang planong iyon. Bigla na lamang itong pumasok sa aking isipan.

"Sierra, paano kaya kung pumunta muna tayo sa mga kasama natin? Gusto kong makita kung paano nila gagawin ang pagpinta sa napakahirap na larawan. I wonder if they will make it orderly." Nakangiting saad ni Leona. Ngumiti lang din ako sa kanya at agad na tumayo. Maglalakad na sana kami nang may boses kaming narinig mula sa aming likuran.

"Montel, pumunta ka dito at may pag-uusapan tayo." Rinig ko ang baritonong boses ni Sir Ulysses mula sa di kalayuan. Hindi ko mapigilang magtaka. Ito ang unang beses na kinausap niya ako maliban doon sa una naming pagkikita.

"Sir, ano po yung pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang mahinang tili ni Leona sa tabi ko at ang paghigpit ng kanyang pagkakahawak sa akin.

"Stop asking. Sumunod ka nalang." Tiningnan ko si Leona na agad namang tumango. Mahina akong napabuntong hininga at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ni Sir Ulysses.

Nang malapit na akong makaabot sa kanya, agad siyang tumalikod. Nang makarating kami sa puno na may pagkakahawig sa puno ng Degrassi, humarap siya sa akin at agad na nakita ng aking mga mata ang napakalamig niyang titig.

"Kunin mo yun. Hindi ko magawang kunin yan dahil masakit yung paa ko. Kailangan mong kunin yan. Bilisan mo!" Napapikit ako sa kanyang sigaw. Itinuturo niya ang isang piraso ng papel na nakasabit sa sanga ng puno. Seryoso?

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon