Chapter 2

181 16 0
                                    

'Ulysses Grant and Leona Gates'

"Sierra, gising na. Tanghali na at kailangan mo nang maligo. Pupunta tayo sa lugar kung saan ka magtatrabaho di'ba? Kailangan mo nang bumangon dahil may pupuntahan pa ako." Ikatlong araw ko na dito sa mundo ng mga tao at masasabi mababait ang mga taong nakakasalamuha ko. At kanina pa ako kinukulit ni Xander na bumangon. Pero wala akong gana dahil napagod ako kakaaral sa librong ibinigay sa akin ni Xander kagabi. Sabi niya, kailangan kong matutong mag-english para hindi ako mapag tsismisan ng mga tao. Lalo na ngayong magtatrabaho na ako ngayong araw.

"Babangon na. Napagod lamang ako sa ginawa ko kagabi. Napagod akong kakakinig sa video'ng sinasabi mo. Tapos napagod pa ako kakabasa sa napakakapal na librong hindi ko minsan mabasa ang iba." Natawa siya sa naging reaksyon ko.

"Sige na, maligo ka nalang. Hihintayin kita sa baba. Bilisan mo ha?" Ngumiti ako.

"Para namang magtatagal ako sa loob ng banyo e malinis naman ako palagi dahil sa kapangyarihan ko."

Sa loob ng dalawang araw, wala parin akong makuhang impormasyon tungkol sa prinsipe. Hinanap na ni Xander ang lahat ng mga kaedad namin sa 'social media' ika nga. Pero halos lahat babae. Yung mga lalaki naman, napakaimposibleng maging prinsipe. Ang lahat ng nakatira sa Damyanti ay may mga simbolo sa aming leeg. Ang mga diwata ay hugis bituin, na sumisimbolo sa mga kapangyarihan naming walang ibang makakapantay. Ang bituin ay nagbibigay ng liwanag kung kaya't ang aming mga kapangyarihan ay maikukumpara rito. Wala kaming ibang inisip kung hindi ang maging maayos ang Damyanti.

Ang mga maharlika naman katulad ni prinsipe Indigo ay hugis brilyante na sumisimbolo sa kanilang pagiging maharlika. Pagiging mayaman, pinakamataas, at may katungkulan na pangalagaan ang mga nasasakupan niya sa Kaharian. Kailangan lamang naming hanapin ni Xander ang simbolong ito ni Prinsipe Indigo upang mahanap namin siya.

Nagbihis ako sa mga damit na binili ni Xander sa akin noong nakaraang araw. Pumunta sila sa tinatawag nilang mall at doon bumili. Isa itong maong kung tawagin at isang damit na walang manggas. Isang sapatos kung tawagin na kulay rosas.

Nang makababa ako, naghahanda na si Tita Linda sa hapag habang naghuhugas naman ng kamay si Xander. Nababahala ako dahil hindi ako nakatulong sa kanya ngayong umaga. Ganoon na ba talaga ako katanghaling gumising?

"Tita Linda, ako na po." Saad ko bago ko kinuha mula sa kanya ang sandok na isasandok niya sana sa kare-kare. Ngayon may alam na ako sa mga pagkain ng mga tao. Kagaya na lamang ng spaghetti, bulalo, adobo, macaroni ba yon? Atsaka itong kare-kare na ulam din namin kahapon. Nang matapos akong maglagay ng ulam sa mangkok, agad ko itong inilapag sa mesa.

"Iha, galingan mo sa trabaho mo ha? Mag-iingat ka palagi lalo na sa mga kasama mong mga lalaki. Sabi ni Lindy sa akin minsan daw may pagka manyak yung isa sa mga boy niya. Kung bakit kasi doon mo pa siya patatrabahuin anak e. Pwede naman na sa computer agency kung saan ako nagtatrabaho. Pwede ko naman siyang irekomenda sa boss namin." Mahabang saad ni Tita nang makaupo na kami sa silya. Wala ang tatay ni Xander dahil maaaga itong umalis. Napakabait din ni Tito Augustus.

"Ma, okay na ho yun. Tsaka siya din mismo ang nagsabing gusto niyang magtrabaho sa isang Fishing company."

"O sige. Bilisan niyo na lamang at aalis din ako. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho." Wika niya bago sumubo ng pagkain.

"Idadaan ka na lang namin Ma para sabay na tayo." Tumango si Tita.

Nang matapos kaming kumain, agad akong naghugas nang hindi gamit ang aking kapangyarihan. Sinasanay ko na ang aking sarili. Mahirap na at baka may makakita sa akin.

"Tara na. Katatawag lang ni Mrs. Lindy at sabi niya in about twenty minutes, makakarating na tayo doon Zia." Tumango lamang ako bilang sagot.

--

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon