'Pagbabalik'Dahan-dahan ang paglalakad ko papasok sa fishery. Hindi ko alam kung ano ang mararatnan ko sa loob dahil sa mga pangyayari kahapon. Napagdesisyunan kong hindi na muna biglain ang prinsipe. Hindi ko na muna siya guguluhin.
"Billie, wala pa ba si Leona?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Naku, hindi daw yun papasok ngayon kasi nagkalagnat. Hindi mo ba alam na nagkasagutan na naman sila ni Kael kahapon? Ewan ko ba sa dalawang yun. Nahulog pa si Leona kahapon sa tubig kaya ayun, nilagnat." Kaya pala.
"Sige, maiwan na muna kita dito ha? Papakainin ko na muna yung mga isda." Tumango ito sa akin.
Abala ako sa pagtatapon ng pagkain sa tubig nang may marinig akong malamig boses mula sa likuran.
"Sasama na ako sa'yo." Agad akong napatayo at hinarap ang prinsipe.
"Sigurado ka? Biglaan naman ata. Natanggap mo na bang isa ka ngang prinsipe? E kahapon lang halos ipagsigawan mo na sa mundong ito, na hindi ka nga prinsipe." Nagtagis ang kanyang bagang.
"Stop asking, bago pa magbago ang isip ko." Sandali akong napatigagal habang inire rehistro ang salitang iyon sa utak ko. At isa lang ang pumasok sa isip ko.
Xander...
Maiiwan ko siya. Ramdam ko ang pagkirot ng dibdib ko sa naisip ko. Si Leona, ang mga kasama ko. Sa apat na linggong pananatili ko sa mundong ito ay napamahal na sila sa akin.
"Mahal na prinsipe, maaari po bang umuwi muna ako saglit? Babalik ako kaagad dito kapag nakapagpaalam ako sa kanya." Ramdam ko ang malalim niyang paghinga habang nakatitig sa akin.
"Uuwi ka o hindi ako sasama?"
"Please..."
"I said no. Di'ba sabi mo isa akong prinsipe? Ibig sabihin ako ang dapat na masusunod." Pagak akong natawa sa sinabi niya.
"Oo, isa kang prinsipe. Pero mas mataas parin ako kaysa sayo. Diwata ako, Ulysses. At hindi mo ako maaaring utusan na lamang ng ganyan." Galit ako sa kanya.
"Sige, pero huwag kang umasang madadatnan mo pa akong muli dito kapag umuwi ka. Wala naman talaga akong pakialam sa'yo." Tumulo ang isang butil ng luha sa pisngi ko. Wala na akong mapagpipilian ngayon. Kailangan ko na ngang umuwi kasama siya.
"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa pamilyang nakagisnan mo? Hahanapin ka nila."
"I don't need to. Wala naman silang pakialam sa akin."
"Kung gayon, tayo na. Umuwi na tayo sa mundo kung saan ka nararapat."
Tinalikuran ko na siya habang nangangarap akong dumating ang taong tumulong sa akin. Gusto kong magpaalam sa kanya.
At habang naglalakad kami, isang kamay ang humawak sa akin at hinila ako papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang naguumpisa nang mamasa ang aking mga mata.
"Xander, aalis na ako. Aalis na ako. Iiwan na kita, Xander. Huwag mo'kong kakalimutan ha? Ipangako mo!"
"Sierra, kailangan mo ba talagang umalis? Pwede mo naman siyang ihatid sa lagusan saka bumalik ka nalang dito, di'ba?" Napiyok ang kanyang boses ang mga katagang iyon. Inilayo ko sa kanya.
"Alam mo namang hindi pwede yun diba? Kailangan ako ng mundo ko. Hindi naman ako pwedeng mawala dun."
"Sierra tell me, mahal mo ba ako?"
"X-xand--." Hindi ko natapos ang pagsasalita ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Ulysses sa kaliwang kamay ko.
"Let's go. We are just wasting our time." Nagtatagis ang kanyang bagang habang nakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...