Chapter 8

108 12 0
                                    

A/N: No clues anymore, guys!

Ilang beses akong pabalik balik sa paglalakad habang iniisip kung ano ang dahilan ng hari at reyna ng Asylum kung bakit sila nagpunta sa Shannon. Maaari bang nagkakaroon sila ng ugnayan sa isa't isa?

Hindi malayong mangyari iyon...

Pagkatapos kong masaksihan ang kaganapan kanina, hindi na ako mapakali. Nagpunta na lamang ako sa tagpuan naming mga diwata habang hinihintay sila.

Nang dumating ang kadiliman, unang dumating si Asia pagkatapos ay si Agastya, na sinundan naman nina Hera at Adrijah.

"Hindi ko akalaing kumakampi na ang Asylum sa Shannon. Siguradong may ginawa ang Hari ng Shannon para mapaniwala at maging kakampi sina Haring Heinrich. Napakawalang modo!" Galit na wika ni Adrijah.

"Anong ginagawa nila sa loob?" Tanong ko.

"Nagkaroon sila ng pagpupulong. At tila ba nakaramdam sila ng kakaibang presensya kaya hindi nila kino kompleto ang detalye ng kanilang pagpupulong. Naramdaman nila kami."

"Akala ko sina Haring Percival lamang ang kalaban natin. May dumagdag pa pala. At mahihirapan tayo dahil isa ang Asylum sa kahariang may taglay na mapaminsalang kapangyarihan."

"Kung hindi ako nagkakamali ay ang kanilang prinsesa ang may taglay ng kapangyarihang iyon hindi ba?" Tumango si Agastya sa tanong ko.

"Ngunit kung maikukumpara ito sa kapangyarihan nating mga diwata, wala silang panama. Hangga't hindi tayo nagkakahiwalay sa lahat ng laban, walang makakatalo sa atin."

"Ngayon, maaari na ba tayong gumawa ng panibagong plano? Andyan na ang Asylum para dumagdag sa suliranin natin." Wika ni Hera.

"Paano kaya kung magkaroon tayo ng digmaan?" Napatanga ako sa sinabi ni Asia.

"Hindi tayo maaaring magkaroon ng digmaan, Asia. Masyadong malupit ang pamamaraang iyan. May naisip na ako."

"Ano?"

"Maglalaro tayo." Napakunot ang aking noo.

"Laro?"

"Kailangan natin ng tulong ng Prinsipe ng Hans."

"Si Ulysses?" Tumango si Adrijah.

"Hindi ba't may kapangyarihan siyang manipulahin ang kahit sino? At may kapangyarihan si Asia na ibahin ang anyo ng isang nilalang. Papasok si Ulysses bilang si Connie."

"Ang prinsipe ng Shannon na nakalaban ko. Ngunit paano natin magagawa iyon kung ang totoong Connie ay nasa paligid lang?"

"Kaya nga kailangan nating gawing bihag ang prinsipe." Sa lahat ay si Adrijah lamang ang may ganitong katalinuhan.

"Sierra, alam kong hindi tatanggi ang prinsipeng galing sa mundo ng mga tao sa iyo. Hindi ba't gusto niyang patigilin ka sa gagawin natin? Ang mabuti pa ay papuntahin mo nalang siya dito." Tumango ako at nagsimulang maglakad.

"Sierra! Talagang wala ka pang masyadong alam sa pagiging diwata. Hindi ka kasi nakiki halubilo sa amin. Pwede ka namang mag-anyong tubig para mapadali ang pagdating mo sa iyong destinasyon!" Natatawang wika ni Hera na nagpakunot ng aking noo.

"Ako lang ba ang hindi nakakaalam nun?"

"Oo. Palibhasa palagi ka nalang nakakulong sa lungga mo."

Agad akong nag-anyong tubig dahil ayoko nang marinig ang panunuya ng mga kapwa kong diwata. Alam ko naman talaga ito, ngunit ayokong gamitin ang kakayahan naming iyon dahil nakakatamad ito.

Nang makarating ako sa Hans, natagpuan ko si Ulysses habang masayang kinakausap ang isang tagapagsilbi ng palasyo. Kung hindi ako nagkakamali, Zoe ang pangalan ng dalagang ito. Tumikhim ako upang makuha ang kanilang atensyon.

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon