CHAPTER 11
NANINIKIP ang dibdib ko habang pinagmamasdan sila. Malaki ng ngiti ni Ulysses na para bang hindi naapektuhan sa paghaplos ni Zoe sa braso niya. Masayang nag-uusap ang dalawa habang ako, nanlalabo na ang tingin. Tumalikod na lamang ako at humarap kay Adrijah. Tila namalayan niya rin ang nangyayari sa akin kaya naman nagtanong ito.
"Ayos ka lang ba?" Umiling ako at tuluyan nang nahulog ang isang butil ng luha sa aking mga mata. "Sinasabi ko na nga ba." Mabilis nitong pinahid ang aking luha.
"Huwag kang magpaapekto, Sierra. Masyado kang maganda para magpatalo. Isa kang diwata habang yang babaeng yan," Tinuro nito si Zoe. "alalay lang yan."
"Adrijah, huwag mo naman insultuhin."
"Ayan ka e! Sinasaktan ka na nga ng harap harapan, pinagtatanggol mo parin. Nasobrahan na yang bait mo na yan ha!" Inis nitong nilagyan ulit ang kopita.
"Ahm," Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Mack. "pwede ba kitang isayaw, mahal na diwata ng tubig?" Tumitingkad din ang kaguwapuhan nito. Napatingin ako kay Adrijah. At ang gaga! Tumango pa! Wala akong ibang magawa kung hindi ang tanggapin ang kamay ni Mack. Naglakad kami papunta sa gitna. Nagdadalawang isip ako kung ihahawak ko ba ang mga kamay ko sa balikat niya. Kaya naman ang binata na ang naglagay nito. Kinabahan ako nang nang lumapat ang mga kamay nito sa baywang ko. At habang tumatagal, nasasabayan ko na ang tunog.
"Ayos ka na ba?" Napamulagat ako sa tanong niya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Pagpasensyahan mo na si kuya. Alam mo ba na minsan na rin akong nakapunta sa mundo ng mga tao?" Mas lalo ako nalito. "At alam ko ang mga pinaggagagawa ng mga binata doon. Pinaglalaruan nila ang nararamdaman ninyong mga babae. Kaya naman naiintindihan ko kung bakit ganito ang inaakto niya. Pero alam mo...mahal ka niyang talaga eh. Nakikita ko yun sa mga mata niya."
Mapait akong ngumiti. "Kung ganun bakit niya ako sinasaktan ng ganito?"
"Bakit? Sigurado ka bang niloloko ka niya? Baka naman nakikipagkaibigan lang si kuya kay Zoe. Ganun din naman ako sa lahat."
"Ikaw yun e. Magkaiba kayo." Nagkibit-balikat lamang ito.
Ilang sandali ang nakalipas, nagbago ang tunog ng musika. Ibig sabihin, magpapalit na ng kapareha sa pagsasayaw. Hindi pa man ako nakakabitaw kay Mack ay may humila na sa akin. Hindi ko pa nga nakikita ang mukha ng lalaking kayakap ko alam ko nang si Ulysses yun. Ang presensya niya ay kabisadong kabisado ko na. Nilakasan ko ang loob ko at pinigilan ang sarili kong sumbatan siya.
"Sierra, napag-usapan na natin ito di'ba?" May iritasyon sa boses ng binata.
"Hindi lahat ng pangako kailangan tuparin. At sa pagkakaalam ko, hindi ako nangakong iiwasan ko si Mack." Tumingala ako sa kanya. Bumalatay ang sakit sa mga mata nito.
"A-ano?"
"Kailangan ko munang bumalik sa upuan namin." Aalis na sana ako nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"May problema na naman ba tayo, Sierra?"
"Tanungin mo ang sarili mo kung bakit. Tanungin mo ang sarili mo kung bakit ako nagkakaganito. Isipin mo kung may bagay bang dapat kong ikagalit." May iritasyon sa boses ko. Pero walang lumabas sa labi nito bagkus ay nagsalubong lang ang kilay nito. Naiinis na ako! "Gago ka!"
Akmang lalakad na ako nang higitin niya aking braso. "Hindi na talaga kita maintindihan. Wala naman akong naisip na—" Natigil ang mga salita niya nang may humawak sa braso niya. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to!
"Ulysses, pwede ba tayong sumayaw?" At talagang tinawag pa niya ito sa pangalan niya! Walang 'prinsipe'! Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Zoe, nag-uusap pa kaming dalawa. Pwede ba mamaya nalang?"
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...