Chapter 12

105 10 0
                                    

CHAPTER 12

Lawang kay gandang pagmasdan
Di mawaglit sa aking isipan
Katulad lamang ng aking pagmamahal
Sa prinsipeng sa akin inilaan.

Ngayo'y aking mga mata'y nakatuon sa isang tanawin.
Tanawing nagpawasak sa aking damdamin.
Pilitin ko mang iwaglit sa aking isipan,
Tila ito'y nakadikit na sa aking kapalaran.

Humahangos akong dumilat. Ang panaginip na iyon. Ilang taon na ang lumipas ngunit pabalik balik parin iyon. At kapag ako'y gigising, tila ba parang totoo. Damang dama ko ang sakit sa dibdib ko. Lalong-lalo na ngayong sandaling ito.

Parang kinakabahan, naiiyak, hindi ko na alam. Tumingin ako sa aking tabi. Wala siya. Wala ang aking natatanging prinsipe sa aking tabi. Pilit kong kinalma ang sarili ko nang namanhid ang buong katawan ko. Anong nangyayari sa akin?

Ginamit ko ang aking kapangyarihan upang maibsan ang pamamanhid. Tumayo ako sa kama at nagtungo sa kung saan. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng aking mga paa sa puno ng Degrassi. Ang lakas ng hangin. Halos liparin na nito ang nakalugay kong buhok. Inilibot ko ang aking paningin. At doon.

Doon sa mismong punong iyon. Nakita ko. Nakita ng dalawang mata ko ang nasa panaginip ko. Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko. Paano? Paano ako nagawang lokohin ng prinsipeng mahal na mahal ko? Nakatayo siya ngayon. Nakatayo siya habang hinahalikan ang isang babae. Hindi ko maaninag ang mukha ng babae dahil natatakpan ito ng maskuladong likod ni Ulysses.

Nanginginig ang kamay ko. Walang ibang namuo sa puso ko kung hindi galit at pagkamuhi. Sa mismong lugar kung saan kami nakatayo ngayon, nag-iba ang temperatura. Pilitin ko mang kontrolin ang aking sarili ngunit hindi ko nagawa. Natigil ang ginagawa ng dalawang nilalang nang mapansing napakalamig ng paligid. Tila biglang naging isang lawa ang lugar na iyon nang magsimulang magkaroon ng tubig ang lupa.

Unti-unti itong lumalaki kasabay ng panlalaki ng mata ni Ulysses nang makita ako. At labis na sakit ang nangibabaw sa akin nang makita ang babaeng kasama niya.

Asia.

Akala ko'y magugulat din ito ngunit hindi. Sa halip ay isang pilyong ngiti ang namutawi sa aking kaibigang diwata.

Kaibigan.

Kaibigan? Napako ang tingin ko kay Ulysses. Parang may pumiga sa puso ko nang makitang pati si Ulysses ay ngumiti. Sa kabila ng nagkakalaking tubig, unti-unti siyang lumapit sa akin dala ang kanyang ngiti.

"Akala mo siguro ay seryoso ako sa'yo, diwata." Natawa ito. Tawa na parang masaya talaga ito. "Kay dali mong utuin, Sierra. Kaunting kilos ko lamang ay bumibigay ka kaagad. Tss. Isa kang hangal na diwata."

Nanginginig ang aking mga labi habang pinapakinggan siya. "P-paano mo nagawa sa akin ito? Ikaw ang prinsipeng nakatakda sa akin ngunit bakit napili mong saktan ako?!"

"Kahit sino ka pa. Kahit ikaw pa ang nakatakda para sa akin, hinding hindi kita mamahalin. Isang diwata lamang ang mamahalin ko. At iyon ay ang diwata ng liwanag. Wala nang iba pa."

"Kung ganoon naman ang iyong nais, bakit mo pa ako nilapitan? Bakit mo ako pinaglaruan, mahal na prinsipe? At bakit ang aking kaibigan pa?" Pinahid ko ang aking luha.

"Huwag ka ngang maraming tanong! Masyado kang maingay!"

"Ulysses, aking prinsipe, mahal mo naman talaga ako di'ba? Sabihin mong biro lamang ang lahat ng ito. Sabihin mong mahal mo'ko Ulysses! Sabihin mo!" Humahagulgol na pakiusap ko sa kanya. Ang sakit sakit.

"Hindi. Kita. Mahal! Saan ba doon ang hindi mo maintindihan?!"

Mas lalong lumakas ang aking pagtangis. At naging sanhi ito ng aking pagsubsob sa lupa. Ngayon ay hanggang leeg ko na ang tubig. Hindi man lang nila alintana ang tubig na kalahati na ng kanilang katawan.

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon