A/N: 2nd story to be done. Hindi ko akalaing matatapos ko itong story na'to in times of Covic-19. Nang dahil sa community quarantine, wala na akong ibang magawa kung hindi ang magsulat at magbasa. I am thankful, though.😅Pero napakahirap makipaglaban sa isang kalaban na hindi natin nakikita.
Just fight, guys! Wattpaders are known to be tough towards any troubles. (For me😁) Fighting!!
Next of this series will be Adrijah: The Goddess of Wind. At mayroon na pong magbabago. I will use English language. Sumasakit din pala ulo mo kapag puro tagalog no? Haha. Lol.
Enjoy!
——
EPILOGUE
HINDI ko mapigilang mapaluha sa nangyari. Nabawi na namin ang kaharian ng Hans. At sa pagbawi naming iyon, tuluyan nang nawala ang kaharian ng Shannon at Asylum. Ngunit sisikapin kong mabuhay muli ang mga kahariang iyon. Sa tulong ng ibang mga diyosa.
"Sisiguruhin kong magiging maayos ang Matti. Pangangalagaan ko ang mga Adamyan at ang mismong kaharian." Nakangiting saad ni Hera. Napangiti na rin kaming lahat.
"Sisiguruhin kong magliliwanag sa kagandahan ang Duran sa aking pangangalaga." Sambit ni Asia.
"Isa ang Asylum sa napamahal na sa akin. Bubuhayin kong muli ang kahariang ito sa sarili kong pamamaraan." Wika ni Adrijah.
"Bubuuin kong muli ang kahariang minsan nang sumira sa Hans. Sisiguruhin kong magiging maganda ang pangangalaga ko rito." Saad din ni Agastya.
Napangiti na lamang ako habang nakatayo sa kanilang harapan. Hindi ko alam kung bakit parang tinitingala nila ako. Ano bang ginawa ko?
Hinarap ko sila, "Bilang isang diyosa, pananatilihin kong masagana ang pamumuhay rito sa Hans."
Kasabay ng mga pangakong aming pinakawalan, ay ang sabay-sabay naming pagngiti sa isa't isa. "Sierra, dahil ikaw ang unang diyosang nagkaroon ng sariling pamilya, ikaw ang aming titingalain. Wala nang mas mataas pa sa isang diyosang may karanasan na sa pag-ibig." Nakangiting sambit ni Hera.
"Hmmm... Sino kaya ang susunod?" May sumusupil na ngiti si Asia habang unti-unting tumitingin Kay Adrijah. Nangunot ang noo ko at napatingin na rin Kay Adrijah.
"Bakit kayo nakatingin sa akin? Wala naman akong iniibig, ah?" Depensa ni Adrijah.
Sabay kaming napatawa lahat. "E hindi pa nga kami nakakapagsalita e!" Tawa ni Asia.
Naputol ang aming pagtawa nang biglang isang tagasunod ang lumapit sa amin. "Mga mahal na diyosa, ipinapatawag po kayo ng konseho."
"Sige, pupunta na kami."
Nagpunta na kami sa harap ng trono.
Nagulat ako nang makitang nandito ang lahat ng Adamyan ng Hans. Anong nangyayari?
"Maraming salamat naman at nandito na ang lahat. Nais na naming ipaalam sa inyo na dumating na ang panahon upang palitan ang ating Hari at Reyna."
Muling sumikip ang dibdib ko. Sina Reyna Beaumont at Haring
Elbio... Patay na sila..."At alam kong alam ninyo na wala nang ibang maaari pang pagpasahan ng trono kundi ang kanilang panganay na anak. Mga Adamyan, pagbigyang pugay ang ating bagong Hari! Si Haring Indigo!" Malakas na palakpakan ang bumingi sa akin.
Indigo...
Lumabas mula sa isang sulok ang Hari. Ang lalaking nagpapatibok ng aking puso. Ang aking kapareha. Ulysses...Indigo...
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasíaIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...