Chapter 13

102 8 0
                                    

"Halika, sasamahan kitang umikot muli rito sa buong Aquaria." Wika ni Inang Laura pagkatapos niyang sabihin sa akin na kalimutan ko na ang Adamyang si Razaliah. Kaya wala na akong nagawa kung hindi ang kalimutan siya. Pansamantala. Dahil may parte sa aking puso na huwag siyang kalimutan.

Ipinilig ko ang aking ulo at ngumiti kay Inang. "Sige, Inang. Nais kong makitang muli ang buong Aquaria. Nais kong muling makita ang mga naninirahan dito." Ngumiti ito at iginiya sa akin ang daan.

May iba't ibang nilalang na naninirahan dito sa Aquaria. Sirena, shokoy, isda, at lahat ng mga nilalang na may kakayahang manirahan sa ilalim ng tubig. At sila ay tinatawag na mga Aquarian.

Sa aming paglalakad, naparoon kami sa tila isang silid. Ang pintuan nito ay nagtataglay ng kung anong kapangyarihan sapagkat nagliliwanag ito. Napapalamutian ito ng iba't ibang kabibe at ilang kumikislap na bagay. Naguguluhan ako dahil ngayon ko lang ito nakita.

Marahil ay napakarami na talagang nagbago sa aking pagkawala.

"Inang, ano ang napapaloob sa silid na iyan?"

"Nasa loob niyan ang lawa ng katotohanan. Naisip kong gawin ang silid na iyan upang hindi basta bastang makapasok ang sino mang nilalang na may itim na puso. Ang iba kasi sa kanila ay nagpupunta roon upang malaman ang isang katotohanan at ginagamit sa kasamaan ang mga nalaman nila. Nais kong maging payapa ang mundong ito kahit sa ganoong pamamaraan."

Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Huwag kang mag-alala, Inang Laura. Simula ngayon ay tutulungan kitang pangalagaan ang mundong iyong itinatangi."

"Maraming salamat, anak."

Labis ang aking pagkagulat nang biglang sumakit ang aking tiyan. Napahawak ako rito at napabuga ako ng malakas na hangin dahil sa sakit. "Aahh!!" Hindi ko mapigilan ang aking pagsigaw. Pati si Inang Laura ay napahawak na rin sa akin.

"Ano ba ang nangyayari sa iyo, Sierra?! Dilag! Tulungan mo ang diwata!" Malakas na sigaw ni Inang sa isang sireno. Dali-dali naman itong lumangoy papunta sa kinalalagyan namin. Tinulungan nila akong makarating sa isang malaking bato at agad akong pinahiga.

Hinawakan ni Dilag ang aking pala pulsuhan habang hindi parin ako tumitigil sa pagtangis. Ngunit ilang sandali pa parang isang bula na nawala ang sakit na aking nararamdaman.

"Mahal na Reyna, ayos na ang kanyang kalagayan. At isa lamang ang nakita kong dahilan. Siya ay may diwatang dinadala sa kanyang sinapupunan."

Tila may pagsabog na nangyari sa aking dibdib sa aking narinig at awtomatiko akong napailing. "Inang..."

Ngumiti ang reyna. "Ikaw ba'y nagsisisi?"

Hindi ako nakasagot.

"Huwag mong pagsisihan ito, Sierra. Sapagkat ang diwatang iyong dinadala ay isang biyaya ng bathala."

Dito na ako natauhan. Tama si Inang. Hindi ko dapat isipin na ang aking anak ay isang kamalasan. Ngayon ko lamang napagtanto na siya ay walang kinalaman sa hidwaang naganap sa amin ng kanyang ama. Biglang sumakit ang aking puso nang pumasok sa aking isipan ang ginawa ni Ulysses.

Napakasakit! Napahagulhol ako. "Sierra! Iwasan mo ang iyong pag-iyak lalo na at alam nating nagdadalang-diwata ka!"

"Inang, paano ko siya bubuhayin? Paano ko ipapaliwanag sa kanya kung nasaan ang kanyang ama?"

"Nakalimutan mo na bang ikaw ay isang diwata? Kaya mo siyang buhayin basta iparamdam mo lang sa kanya ang iyong pagmamahal. Iyong pagmamahal na hindi niya na kakailanganin pa ng pag-aaruga ng isang ama. Masyado ka yatang natulad sa mga tao."

Umayos ako ng upo. "Tama ka, Inang. Maraming salamt at nandiyan ka. Tama rin pala ang aking desisyon na pumunta rito. Dahil hindi ko lubos maisip ang sarili ko na nabubuhay ng mag-isa."

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon