Chapter 10

113 10 2
                                    

CHAPTER 10

Dali-dali akong pumikit nang maramdaman kong gumalaw ang kutsong hinihigaan ko. Naramdaman ko ang pagyakap ng kamay ni Ulysses sa aking baywang. "Baby..."

Kilig ang naramdaman ko sa narinig ko. Pinilit ko na lamang na hindi maapektuhan para hindi niya mahalatang gising ako.

"Tsk. I know you're awake, Sierra." Umirap ako sa hangin bago ko siya hinarap.

"Paano mo nalaman?" Tumaas ang ang kilay ko.

"Dahil ako lang naman ang itinakda sa'yo at talagang mararamdaman kong gising ka." Mas lalong humigpit ang yakap niya at isiniksik ang mukha sa leeg ko. "Love you, Sierra."

Hindi ako sumagot.

"Sierra..." Nanatili akong tahimik. "Tsk. Hindi mo ba ako mahal?" May pagtatampong saad nito. At dahil nakatalikod naman ako sa kanya, ngumiti ako. Hindi niya naman nakikita kaya ayos lang.

"Hindi parin talaga ako makapaniwala na nandito ka sa kwarto ko ngayon. Pakiramdam ko tuloy ako na ang pinakaswerteng nilalang sa mundo dahil kasama ko sa kwarto ang isang diyosa. Isang diwata. Ang pinakamagandang diwatang nakilala ko. Ang diwatang mahal na mahal ko." Nakagat ko ang labi ko dahil sa narinig. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman humarap na ako sa kanya.

"Hindi ka nagsisinungaling?" Umiling ito. "Mabuti. Dahil kapag nagsinungaling ka sa akin, hinding-hindi kita mapapatawad. Minsan lang akong magmahal." Napangiti siya.

"Mahal mo talaga ako?" Ikinunot ko ang aking noo.

"Hindi ka naniniwala? Edi wag!" Mabilis akong tumayo at lumabas ng silid nang hindi siya tinitingnan. Kainis! Hindi ko alam kung bakit napakadali niyang mapikon. Nagpunta na lamang ako sa kung saan nakatayo ang puno ng Degrassi. Ito lamang ang sandigan ko dito sa kaharian. Maliban kay Ulysses, si Mack lamang at ang Reyna Beaumont lang ang medyo nakakausap ko. Kaya lang nakikita ko nga ang mga ito pero kaagad naman akong pipigilan ni Ulysses at sasabihing may gagawin daw kami. Lalong lalo na kapag si Mack ang pag-uusapan. Sa loob ng dalawang araw lamang na pamamalagi ko rito, ganoon na kaagad ang nangyayari.

Para bang inilalayo ako ni Ulysses sa kahit na ano. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Huminga ako ng malalim.

"Mahal na diwata, nagkita tayo ulit." Napatingin ako kay Mack at ngumiti.

"Mahal na prinsipe." Umupo ito sa tabi ko. "May kailangan ka ba, mahal na prinsipe?"

Umiling ito. "Nais ko lamang makahanap ng kausap. Pagkatapos nakita kita. Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang digmaan na nangyari. Napakaraming Adamyan ang namatay. Kasama na ang hari at reyna ng mga kaaway."

Mapakla akong natawa. "At ako na isang diwata ay wala man nagawa."

"Kahit wala kang nagawa, ayos lang. Mas makakabuti nga sigurong hindi mo nasaksihan ito. Alam kong marupok ka pagdating sa mga patayan."

Kumunot ang noo ko. "Paano mo nga pala nalaman?"

Sandali itong natigilan. "A-no, ahm...base lamang sa mga naririnig ko mula sa mga Adamyang pinag-uusapan ka."

Mas lalo akong natigilan. "Bakit naman ako pag-uusapan ng mga Adamyan?"

"Marami ang nakapansin sa pagkawala mo noong panahon ng digmaan. Hindi natin mapagkakailang may mga tsismosa din sa kanila."

"At isa ka na dun." Natawa siya.

"Oo nga pala. Mabuti at naisipan ng kapatid kong dito ka patirahin. At least may iba pa palang magagandang tanawin dito sa kaharian."

Kumunot ang noo ko. "A-ano?"

"W-wala. 'Wag mo nang isipin yun."

"Sira ulo ka pala." Mahinang sambit ko.

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon