Chapter 7

106 12 0
                                    


KASALUKUYAN akong naglalakad sa likod ng kaharian. Makikita mo ang maraming punong nakatayo sa lugar na ito kasama na ang puno ng Degrassi. Akala ko nagbibiro lang ang prinsipe sa sinabi niyang dito na ako maninirahan sa kaharian.

Umupo ako sa isang may kalakihang bato at ipinikit ang aking mga mata. Kahit sinong nilalang magiging kampante ang kalooban kapag ganito ang katahimikan na ipinalalasap ng kalikasan. Napadilat ako nang may isang paru-paro ang dumapo sa ilong ko.

Lumipad ito at umikot sa bandang ulo ko. Panay ang tawa ko nang nasasagi ng paru-paro ang tainga ko na nagdadala sa akin ng kiliti. Hindi sinasadyang maitukod ko ang aking kamay sa isang madulas na parte ng bato dahilan para mahulog ako sa lupa.

Pero imbis na masaktan, mas lumakas ang tawa ko. Iniangat ko ang aking kamay para makadapo dito ang paru-paro.

"You look happy." Napatigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang boses ng prinsipe.

"May kailangan ka ba, prinsipe?" Saad ko nang tuluyan na akong makatayo.

"Wala naman. Gusto ko lang magpahangin. Ang init kasi sa loob."

"Sa pagkakaalam ko, walang kaharian ang mainit. Normal ang nararamdaman natin sa loob ng kaharian, prinsipe." Nagkibit-balikat ito at naglakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko mapigilang mapaatras nang makitang matiim ang tingin sa akin prinsipe.

"Bakit ba parang takot ka? Hindi naman kita sasaktan e." Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin, nagulat na lamang ako nang hilahin niya ang aking palapulsuhan dahilan upang mahiga kaming dalawa sa damuhan.

"P-prinsepe, baka may makakita sa atin."

"Wala akong pakialam. Gusto ko lang naman magpahangin." Natawa ako sa sinabi niya.

"Edi magpahangin ka dun. Bakit kailangan mo pa akong idamay. Alam mo bang maaari tayong parusahan ng hari kapag may  nakakita sa atin?"

"Hindi mangyayari yan."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Paano mo naman nasabi yan?"

"Dahil yun ang sabi ng isip ko."

"Hindi mo hawak ang tadhana. Hindi mo alam ang kayang gawin ng iyong ama kapag nakita niya tayo."

"Hindi niya rin alam kung anong kaya kong gawin." Inis na umupo ako sa damuhan.

"May tanong ako." Tumango lamang siya habang nananatiling nakahiga.

"Hindi mo ba naaalala ang mga magulang mo sa mundo ng mga tao? Siguro nag-aalala na sila ngayon. Biruin mo, bigla ka nalang nawala na parang bula."

Bumuntong hininga ito bago sumagot. "I already told them. Simula palang nang malaman kong may ganito akong kakayahan, alam ko na sa sarili ko na hindi nila ako tunay na anak. Hinintay ko lang na sila ang magsabi sa akin, pero hindi nangyari ang gusto ko."

"Malamang! Sino bang magulang ang gugustuhing malaman ng anak nila na ampon lang sila? Hindi nila sinabi yun dahil ayaw nilang malayo ka sa kanila."

Pagak itong natawa. "Hindi rin. Hindi sila ganung klaseng magulang. They are just using me. Ginagamit nila ako para sa fishery. Ipapakasal nila ako sa anak ng isang mayamang negosyante na kayang bilhin lahat ng fishery namin. O di kaya'y maging kasosyo nila. Wala silang ibang inisip kung hindi ang pera nila."

"Pero di'ba dapat magpasalamat ka, dahil kinupkop ka parin nila?"

"Tsk. Hindi mo kasi naiintindihan e." Ngumuso ako bago nagsalita.

"Paanong hindi naiintindihan?"

"Kinupkop nga nila ako, pero hindi ito buong puso. Habang busy sila sa trabaho nila, nag-iimbestiga ako tungkol sa buhay ng mga magulang ko." Bahagyang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon