Chapter 16

108 9 0
                                    

CHAPTER 16

DUMIRETSO ako sa palasyo ni Inang Laura. May nais lamang akong itanong sa kanya na ilang araw nang bumabagabag sa aking isipan. Naabutan ko siyang hawak ang pinaka iingatan niyang isdang-bituin.

"Inang..."

Lumingon siya sa akin. "Bakit? May problema ba?"

"Ang Kweba ng Prelas. Paanong nagkaroon ng pintuan ang kwebang iyon? Simula nang dumating akong muli sa mundong ito, ni minsan hindi ako napadpad doon dahil ang sabi mo walang nagtangkang pumasok doon dahil natatakot sila. Natatakot sila dahil madilim ito. Pero Inang, paanong nagkaroon ng pintuan?!"

Bumaba si Inang sa kanyang trono at lumapit sa akin.

"Ang Kweba ng Prelas ay hindi na katulad ng dati, Sierra. Dahil nang pumasok ang isang sireno sa kwebang iyon, nabaliw siya. Sinasabi niya na kailangan niya ng tulong. Kailangan niyang makalaya. Nais niya raw talagang makalaya."

Kumunot ang noo ko. "Makalaya kanino?"

"Iyon ang tanong na hindi ko masasagot. Dahil nalito rin ako nang mga panahong iyon. ‘Laya na siya. Pero bakit niya sinasabing nais niyang makalaya?’ Iyon palagi ang tanong ko. Natakot ako nang ilang araw lang ay namatay ang sireno. Kaya itinalaga ko ang utos na walang papasok sa kwebang iyon."

Naikuyom ko ang akin kamao. "Nagsinungaling ka sa akin? Ang sabi mo takot sila? 'Yun pala ay utos mo iyon?"

Tumango siya. "Kailangan kong magsinungaling sa iyo para hindi ka na magtangka pang pumasok sa loob. Dahil alam kong kapag nalaman mo ang utos ko, posibleng suwayin mo ito." Napayuko siya. "Pero kahit ano talaga ang gawin ko ay makakapasok ka nga talaga roon."

"Inang, uulitin ko, paano nagkaroon ng pinto ang kweba?"

Tumalikod siya sa akin. "Hindi ko alam..."

Nalaglag ang panga ko sa aking narinig.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Nang makalipas ang ilang buwan, pumunta akong muli sa labas ng kweba. At laking gulat ko nang makitang may pintuan na ito."

Mas lalong nangunot ang aking noo. "Alam mo bang may isang bata sa loob ng kwebang iyon?"

Awtomatikong napalingon si Inang sa akin. "B-bata?"

"Oo. At nandoon siya sa loob ng kweba. Nag-iisa. Nakakulong!"

Nakita ko ang panginginig ng kamay ni Inang."P-paanong...n-nagkaroon ng bata?"

Natulala ako. "H-indi mo alam?" Umiling siya.

"Akala ko'y kusa na lamang itong sumara ngunit hindi ko akalaing mayroong bata roon."

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Gulong-gulo na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin at iisipin ko. Hindi ko naman dapat itong isipin ngunit isa akong diwata.

Tungkulin kong pangalagaan ang mundo. At ang batang nagngangalang Aliway ay nangangailangan ng tulong ko. Kailangan ko siyang ilabas sa kwebang iyon. Pati na ang kanyang Ina. Alam kong hindi bastang nakaka labas-masok ang isang nilalang sa mundo ng Aquaria nang hindi dumadaan sa lagusan.

At ang lagusan ay malayo sa kwebang 'yun. Imposibleng doon dumadaan ang Ina ni Aliway nang hindi man lang namin nakikita.

"Magpapaalam na ako, Inang." Pukaw ko sa reynang ngayon ay tulala rin sa kawalan. Marahil ay iniisip niya rin ang bata.

Matapos siyang tumango ay mabilis kong nilisan ang silid. Nagtungo ako silid ni Talisha at natagpuan siyang mahimbing na natutulog. Napangiti ako.

Sierra: The Goddess Of Water (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon