Makalipas ang tatlong taon...
"Talisha! Mag-iingat ka!" Sigaw ko sa aking anak na ngayon ay maligayang nakikipag laro kay Sinag. Isang batang sireno.
Kakatapos pa lamang ng aming ensayo.
Lumapit muli sa akin si Talisha. "Ina, nais kong turuan mo akong muli kung papaano ko mamamanipula ang aking kapangyarihan. Hindi na ako makapaghintay na gamitin ito katulad ng ginagawa mo."
"Anak, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi pa ito ang tamang panahon para riyan? Kinakailangan mo munang sanayin ang iyong sarili sa paggamit ng iyong sandata at ang iyong pagkilos."
Malungkot na umalis ito. Napailing na lamang ako. Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang bumalik ako rito sa mundong ito. Tatlong buwan matapos kong matuklasan ang aking pagdadalang-diwata ay naipanganak ko si Talisha.
Ang sakit na nararamdaman ko sa mga panahong iyon ay kusa na lamang nawala nang makita ko ang wangis ng aking munting Diyosa.
Pinagmamasdan ko lamang itong naglalaro nang biglang mayroong kumalabit sa akin.
"Tila nasisiyahan kang pagmasdan ang iyong munting diyosa."
Ngumiti ako. "Kailan man ay hindi ako magsasawang pagmasdan siya."
"Narinig ko kanina ang sinabi niya. Ano bang plano mo para sa batang yan?"
Bumuntong hininga ako. "Kailangan ko siyang sanaying makipaglaban. Ito lamang ang natatanging paraan na alam ko upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili. Mariana, ayokong maranasan niya ang aking mga naranasan. Lumaki ako nang walang alam sa pakikipaglaban kaya napakahina ko. Hindi ko lubos maisip na mararanasan iyon ng anak ko."
Tumango si Mariana. "Una pa lamang, alam kong magiging isang mabuti kang ina, mahal na diwata. Mabait ka sa aming lahat kaya't hindi na kami magtataka kung ganito ang iyong pakikitungo sa iyong natatanging anak."
Malaking ngiti ang kumawala sa aking mga labi. Itinaas ko ang aking kanang kamay at hinwakan ang panalo sa aking buhok. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakapusod nito at nang tuluyan itong matanggal ay malaya itong lumutang kasabay ng pag ihip ng hangin. Hangin na hindi mo aakalaing mangyayari sa paligid. Sa paligid na napapalibutan ng tubig.
Tila normal na lugar lamang ito para sa amin. Tubig man ang pumapalibot dito ay nakakaramdam parin kami ng hangin. Katulad sa ibang mundo.
Muli kong hinarap si Mariana. "Nais kong itama ang aking mga pagkakamaling nagawa, Mariana."
"Anong pagkakamali, mahal na diwata?" Tanong nito.
"Ang desisyong nagawa ko. Napakahina ko nang mga panahong iyon at napili kong iwan ang problemang kinakaharap ko sa panahong iyon. Ngayon ko pa lamang itong naisip."
"Ibig bang sabihin nito ay babalik kang muli sa Damyanti?"
Tumango ako. "Ngunit kinakailangan ko munang humanap nang tamang pagkakataon. Kapag handa na ang aking anak, saka ko na lamang itong gagawin."
"Ngunit mahal na diwata, nanaisin mo bang makita mo siyang muli?"
Nag-iwas ako nang tingin. Alam kong napaka huli na nang lahat ngunit dahil sa panghihinang aking naramdaman sa nakalipas na taon, hindi ko napansin ang hindi pamilyar na pangyayari.
"Hindi ko alam kung dapat ko itong sabihin. Ngunit may bumabagabag sa aking isipan, Mariana. Nang matagpuan ko silang dalawa ni Asia, may napansin ako. Ang boses ni Ulysses. Hindi iyon ang tinig ng aking prinsipe. Napakalaking kong tanga para mapansin iyon. At hindi lamang iyon, maging si Asia na siyang diwata ng liwanag. Ang boses niya ay napakahina."
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasyIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...