CHAPTER 18NANATILI kami sa lugar na iyon. Pinagmasdan ko ang mga kapwa kong mga diwata habang kausap ang aking anak. Katulad ko, hindi parin nagbabago ang kanilang wangis.
Napaisip ako. Ano na kaya ang nangyayari kay Ulysses? Nahihirapan ba siya? Parang binibiyak ang aking puso habang iniisip ko iyon.
Nag-uusap parin ang mga diwata sa aking harapan. Sa kwento ni Asia, naging kulay asul daw ang mga mata ni Talisha kanina habang nakatingin sa kanila. Bigla na lamang daw'ng lumutang ang isang putol na kahoy sa kanilang harapan habang napapalibutan ito ng tubig. Sa bilis ng pangyayari, hindi na nila napigilan pa ang paghampas ng kahoy sa mismong tiyan ni Asia. Mabuti na lamang at dumating kaaagad kami.
"Paano mo natutunan ang ganoong paraan ng paggamit ng kapangyarihan, Talisha?" Tanong ni Asia.
"Palagi po akong nag-eensayo. Paraan daw po iyon ni Ina upang mapangalagaan ko raw ang aking sarili."
Ang ginawa ni Talisha kanina ay ang kapangyarihan ng kanyang ama at ang kapangyarihan ko. Hindi ko aakalaing magagamit niya ng sabay ang kapangyarihan naming dalawa ni Ulysses.
Makahulugang tumitig sa akin si Asia. "At talagang ako pa ang unang nakatikim ng iyong kapangyarihan. Hindi ko aakalaing mapapalaki mo siya ng maayos, Sierra."
Ngumiti ako. "Kasama ko ang reyna ng mundong pinanggalingan ko. Hindi niya kami pinabayaan ni Talisha."
Umupo na rin si Adrijah sa isang naputol na sanga ng puno sa aking tabi. "Pero hindi ko nagustuhan ang iyong paglisan, mahal na diwata. Ni hindi mo man lamang kami nilapitan. Ni hindi ka man lang humingi sa amin ng tulong. At ang mas malala pa roon, umalis ka nang hindi namin alam na nagdadalang-diwata ka."
Nagbaba ako ng tingin. "Natatakot ako sa mga panahong iyon. Natatakot ako na baka lilinlangin niyo rin ako kagaya ng ginawa ni Asia..." Napalunok ako habang patuloy sa pagsasalita. "Nais kong humingi ng paumanhin sa inyong lahat. Napakalaki ng aking kasalanan sa inyo dahil sa pagkawala ng aking tiwala. Kung kaagad ko lamang nalaman na hindi ikaw 'yun, Asia, hindi na sana hahantong sa ganito ang nangyari."
Nagsalita na rin si Hera na siyang punakatahimik sa aming lahat. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Sierra. Lahat tayo ay mayroong nagagawang pagkakamali. At nangyayari iyon dahil sa isang dahilan. Dahilan na tanging ang mahal na Bathala lamang ang nakakaalam."
Tumango ako. "Maraming salamat sa pag-intindi."
"Ano na ang gagawin mo ngayong narito ka na?" Tanong ni Agastya.
"Nais kong makita ng aking mga mata ang nangyayari sa Hans. Nais kong bawiin ang kaharian na pagmamay-ari ng aking prinsipe. Ako ang sanhi ng gulong ito. Ako rin ang lulutas." Matigas kong sambit.
Pinakatitigan ako ni Agastya. "Paano mo nasabing ikaw ang sanhi?"
"Dahil alam kong malaki ang naging epekto ng aking paglisan kay Ulysses. Kung hindi ako umalis, hindi sana siya naging mahina."
"At ngayon ikaw naman ang nanghihina— hindi, matagal ka na nga palang mahina." Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. "Kaya kinakailangan mong maging matapang, Sierra. Patunayan mo na hindi lamang purong kahinaan ang taglay mo. Na kaya mo ring talunin ang kasamaan gamit ang iyong kabutihan."
Napatitig ako kay Adrijah. Ang payong iyon din ang sinabi sa akin ni Hati Razaliah. Malalim akong huminga bago nagsalita. "Ipinapangako kong magiging matapang ako, Adrijah. Masyado nang maraming naapektuhan sa sobrang pagiging mabuti ko. Kailangan ko nang lumaban." Tumayo ako sa aking pagkakaupo.
Ngumiti silang lahat sa akin. "Narito lamang kami para sa iyo, mahal na diwata ng tubig."
"Ako rin Ina! Hindi ako hihiwalay sa'yo. Di'ba po partners tayo?" Nakangiting sambit ni Talisha.
BINABASA MO ANG
Sierra: The Goddess Of Water (Completed)
FantasíaIsa lamang akong diyosa/diwata na tagapangalaga ng tubig. Ngunit akala koy hanggang doon na lamang iyon. Maging ang isang katulad kong diyosa, ay hindi nakaiwas sa pain ni Bathala. Sundan ang kwento at suliranin ng aking buhay. *Written by: Pinkyla...