Sa isang abandonadong pagawaan ng damit ay may nasa higit labinlimang kalalakihan.mga armado, sa gitna ng warehouse ay may silya kung saan nakaupo ang isang lalaki,nakagapos ang mga braso sa likod ng bakal na upuan at ang mga paa sa paanan ng kanyang upuan.may mga latay at sugat sa iba't-ibang bahagi ng katawan,gula-gulanit ang suot na damit na may bahid na ng dugo
Itinapat ng isa sa mga armadong lalaki ang dalang rechargable flashlight sa tapat ng binata dahilan para mapapikit ito sa pagkasilaw
"Kung ako sayo kumanta ka na!" He snarled in gritted teeth but the man who was still in his steel chair didn't bother to move an inch,sinabunutan sya ng lalaki dahilan para mapaangat ang muka nito
"ANO?UMAMIN KA NA? Wag mo ng hintaying mamatay ka ng tuluyan!"
"KANTAAAAAAA!"
The man spit blood,ngumisi ito saka tinignan ang mga nakapaligid sakanyang lalaki "Gusto nyo ba talaga 'kong kumanta? Are you that desperate? Kinidnap nyo 'ko? Dinala dito then what?"
"Hoy bata!wag ka ng magsalita pa kung ayaw mong mabugbog ulit."
He sigh in defeat."Kapag ba kumanta ako sainyo paaalisin nyo na 'ko?"
Ngumisi ang mga kalalakihan at tumango kahit ang totoo hindi na nila palalabasin ng buhay ang binatang hawak "Oo naman bata."
"Please.....release me let me go, for I don't love you anymore---
Bigla syang sinuntok muli sa muka ng isa sa mga lalaki,gigil nitong sinabunutan ang binata dahilan para muling mapaangat ito ng tingin "GAGO! Kumanta ka as in umamin hindi literal na kanta! Nag-aaral ka ba ha?"
Bigla silang natigil ng makarinig ng mga putok ng baril sa labas.napatingin silang lahat sa pintuan ng warehouse at inihanda ang sarili para sa bakbakang magaganap
"and...........CUUUUTT!"
"That's a wrap everybody" pag-sigaw ko habang pumapalakpak kaya nagkanya-kanya na sila para magpahinga at humanda sa next scene
"Direk ano na po ang next scene at kaylan po natin ulit ishu-shoot para mai-announce natin sa lahat?" Tanong ni vin.
"Bukas ng umaga,lilipat naman tayo ng settings since nasa part na ng labanan nila sa mga pulis.syanga pala vin kayo ng bahala sa pagliligpit,doon muna 'ko sa car ko" pagpapaalam ko habang humihikab
Pagpasok sa loob hindi ko na nakuhang ayusin ang pagkakaupo,bumibigat na ang talukap ng mga mata ko at kagabi pa 'ko walang maayos na tulog dahil kasama ako sa audio visual room para i-edit at i-cut yung mga pangit na scenes.tingnan ko muna ang daliri ko at napangiti ng makita ang wedding ring.haayyyy totoo na talagang engage na 'ko
Natagpuan ko ang sarili na nakaupo sa isang gintong upuan na napapalibutan ng mga dahon at glitters.tatayo na sana ako ng makita sa aking harapan si tom cruise look-alike.nakatayo sya habang nakatitig sakin na hindi ko malaman kung galit ba sya or ano
Doon ko lang din napansin na nasa isang malaking palasyo ako.puro ginto at makikintab ang paligid.ang sahig ay ginto rin na kitang-kita ko pa ang repleksyon ko at nung ceiling na may malaking chandelier,inshort para kang umaapak sa salamin
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?