chapter18

378 15 0
                                    


"Pasok"

Naupo si jervish sa sofa habang ako naman ay pumunta sa kusina para bigyan sya ng maiinom.



"Here's your coffee,"




"Thanks,by the way.nasaan yung shaman? I want to see him,may gusto rin kasi akong sabihin sakanya"





"Ha? Ano namang sasabihin mo dun sa tao?"




"Sakin nalang yun.lalaki sa lalaking usapan" Aniya saka na ininom yung kapeng sinerve ko.nagpaalam akong hahanapin si mamang shaman para maipakilala na sakanya.muka kasing gusto talaga syang kilatisin nitong si jervish





"Magnus?" Nakita kong hindi naka-lock yung pintuan sa kwarto nya kaya pumasok na ako.





"Magnus? Andito na 'ko.may bisita tayo na gusto kang makausap!"




Wala sya rito sa kwarto nya,asan na naman kaya nagsuot yung shaman na yun?




Lumabas na 'ko ng kwarto nya at akmang aalis na ng makita ko sya sa pasilyo na naglalakad papunta sa direksyon ko.meron syang hawak na patpat na tanglaw nya sa paglalakad.alam nyo naman ang mga bulag? Kaylangan parin ng guiding stick sa araw-araw na gawain



Naka-sweat short lang sya at sando.napalunok ako ng muling mapadako ang paningin sa katawan nya.aba! Mukang maganda ang puberty stage nya kaya may masasabi ang kaanyuan nya.ermitanyong makisig nga talaga




"Lily? Ikaw ba 'yan?" Dahil sa sobrang space-out hindi ko na namalayang nasa harap ko na sya.hindi ako nakapagsalita kaya ginamit nya yung stick nya at nagulat ako ng mahina nya kong hampasin nun sa hita dahilan para mapa-aray ako ng mahina at mabalik sa wisyo




"Aray! Bakit ka ba nanghahampas?" Galit-galitan kong tanong..O,A lang talaga ako dahil ayokong isipin nyang natulala ako sa katawan nya




Nagsalubong ang kilay nya "Ikaw kasi eh.hindi ka nagsasalita akala ko kung napano ka,narinig kong tinatawag mo 'ko?"



"Oo.may bisita tayo at gusto ka raw nyang makausap"


"Kasintahan mo?" Nagulat ako sa sinabi nya.what the heck lily? Ano bang nangyayari sayo? Muntanga ka talaga minsan





"Oo.tara na---teka asan nga pala si eclipse?" Tumingin-tingin ako sa sahig at sa paligid kasi kanina ko pa sya hindi nakikita.




"Nandyan lang sya sa paligid at nagbabantay sa buong bahay" Napa-aaahhh ako kasi hanggang ngayon ay namamangha parin ako sa kakayahan ng pusa nya or should i say pusa na namin?





Ng makita kami ni jervish na papalapit ay napatayo sya,yung unang reaksyon nya ng makita ang katabi ko ay pagkunot ng noo.inalalayan kong maupo si mamang shaman sa kaharap na sofa at ako naman ay naupo narin sa tabi ni jervish






"I-ikaw na ba ang shaman na tutulong sa fiancee ko?" Yung tono ng boses ni jervish parang nag-iba,or baka paranoid lang ako?




Yung muka ni magnus naging sa maamo at ngumiti ito ng maaliwalas.wow! Mukang may gaanan na agad ng loob na nagaganap sa dalawa."Ako na nga!"




Sandaling pinagmasdan ni jervish ang kaharap namin saka tumango "Ah ako nga pala s---



"Alam ko! Gusto mo raw akong makausap?" Tanong ni magnus kaya dagyang nagulat ang katabi ko at sandaling lumingon sakin,i shrugged



Shaman: The Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon