"Ate lily?"
"Eclipse? Asan tayo?"
"Nandito tayo,sa ating totoong mundo,sa mundo na nararapat tayo,ate sana alagaan at mahalin mo si master ha? "
Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nya "Eclipse paano ko mamahalin ang master mo kung ako nga hindi nya gusto,si one lang ang mahal nya"
Muli,isang napakagandang ngiti ang ibinigay nya sakin,nakakahawa ang mga ngiti nya
"Ate lily,ikaw---ikaw ang kaylangan ni master, si one man yan oh ikaw basta--hindi mo man alam ang tunay na nararamdaman ni master,malalaman mo rin sa takdang panahon.paalam na ate,pangako muli tayong magkikita at kapag nangyari yun............hinding-hindi na tayo maghihiwalay na tatlo nila master"
Unti-unti na syang nagiging isang pusa pero bigla rin syang naging alikabok na makinang at nilipad sa dako paroon,pilit ko syang inaabot pero parang hindi ako makaalis sa kinatatayuan
"ECLIPSEEEEEEEEEEE!"
Napadilat ako ng mga mata,hingal na hingal at malamig na pawis ang tumutulo,napaupo ako habang sapo ang noong sumakit,may nakapa akong benda sa palibot ng ulo atsaka sinuri ang lugar kung nasaan ako,andito lang ako sa bahay ko
Bigla kong naalala yung nangyari kanina..........panaginip lang ba yun? Pero imposible? Parang totoo sya
Inobserbahan ko ang sarili sa salamin,wala naman akong malalang pinsala bukod sa maliit na sugat ko sa noo na natamaan ng pintuan pero maayos naman anag itsura ko,nakarinig ako ng kalabog kaya tinignan ko kung sino yun,baka kasi may bigla na namang sumulpot na nilalang at muli akong patayin
"Gising ka na pala.kamusta ang pakiramdam mo?"
Napatingin ako sa likuran at doon nabungaran si magnus,nakatayo,seryoso ang muka,may hawak syang isang kahon na yakap nya pa.yung muka nya hindi ko maintindihan pero parang kagagaling lang nya sa matinding pag-iyak,ano ba talagang nangyari?
"A-ayos na ako.ano bang nangyari?" Dahan-dahan syang naglakad palapit sakin,ng magkaharapan na kami ay binigay nya sakin ang dala nyang kahon kaya taka ko syang tinignan
"Buksan mo" He commanded
"B-bakit? Ano ba----
"Buksan mo!" Pabulong pero bakas ang galit sa boses nya kaya wala narin akong nagawa kundi ang buksan ang kahon,halos manlaki ang mga mata ko ng makita ang isang pusa na duguan at pisa ang kalahati ng muka,nanginig ako at muntikang mabuwal sa kinatatayuan,nagsimulang mag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko na para silang gripong binuksan
"A-anong----
"Isinakripisyo ni eclipse ang kanyang buhay para mailigtas ka.bigla kang umalis sa bahay nila izrah kaya inutusan ko sya na sundan ka,natakot ako sa sinabi nya--nakita nya ang pangitaing mapapahamak ka, hindi ko sya pinatuloy pero sabi nya susundin nya ang una kong inutos sakanya isa pa para ka na nyang ina kaya mahal ka nya at gusto ka nyang iligtas gaya ng gusto kong gawin.ang kaso malakas na nilalang ang nakasagupa ni eclipse at nagamit nya ng sobra ang kapangyarihan nya kaya imbis na ikaw ang nahulog sa mataas na gusali ay si eclipse ang nagpaubaya."
Sandali akong natulala at hindi kinaya ang nalaman kaya tuluyang bumigay ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig,nanatiling nakatayo si magnus,tulala sakin.hindi ko na napigilang kunin ang kaawa-awang si eclipse sa kahon,niyakap sya ng mahigpit at doon tuluyang humagulgol ng iyak
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasíaMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
