chapter27

492 16 1
                                        


"Goodmorning magnus at lily!"




Nahinto ako sa pagsubo sa tinapay habang si magnus naman ay kunot ang noo dahil sa tao na nasa bukana ng dining area kung saan kami kasalukuyang kumakain ng almusal,nakita ko si izrah na abot hanggang tenga ang ngiti





"Izrah? Anong ginagawa mo dito?"






"Ahm-ano kasi---magnus may sasabihin sana ako sayo!" She asked shyly kaya palihim na tumaas ang isang kilay ko,ng sakin sya napatingin ay agad akong ngumiti





"Ahh ganun? Halika muna izrah upo ka,saluhan mo muna kami tutal kumakain na kami." Sabi ko kaya umupo na sya sa tabi ko






"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko pero kape lang daw dahil kumain na sya bago pumunta dito kaya nagtimpla ako habang sya naman ay hinarap si magnus ng may seryosong muka






"May classmate akong madalas sapian,nagpunta na sya sa mga local albularyos pero hindi naman daw nasolusyunan ang problema nya,so naisip kong baka matulungan mo si chanel since over all ang kakayahan mo?"






Patuloy lang ako sa pagnguya habang nakikinig,napatingin kami kay magnus ng bumuntong hininga ito ng malalim,







"May larawan ka ba nya oh kahit na anong gamit para sandali kong masuri?"





"Ah oo meron,okay lang ba kung sa cp? Meron kasi syang picture dito!" Tumango si magnus kaya nilabas ni izrah ang phone nya at inabot sa shaman,tinakpan ni magnus ang buong screen gamit ng palad nya saka pumikit






Pagdilat ni magnus ng mga mata ay agad bumaling ng tingin sakin "Lily,ayos lang ba kung dito isasagawa?"





"Oo,as long as matutulungan natin yung kaklase ni izrah okay sakin"






"Maraming salamat Lily,so magnus kaylan tayo magstart para mapapunta ko na sya dito?"






"Mamayang gabi.malakas ang pakiramdam kong ngayong araw ay muli sya nitong babalikan para sapian"





Nagulat kami ni izrah ng biglang tumunog yung telepono ko,sa sobrang gulat nga napamura pa 'ko pero yung katabi ko tinawanan lang ako






"Teka lang may tumatawag,sige mag-usap pa kayong dalawa" Sabi ko sakanila saka na tinungo ang lalagyan kung nasaan ang telephone


"Hello?"

"Direk lily, si john po 'to.pinapatanong po ni Sir Reynaldo kung anong oras daw kayo makikipagkita sa mga staffs at pupunta sa channel 1?"


Sandali akong lumingon sa dalawang taong nag-uusap sa sala "John paki-sabi naman kay sir reynaldo hindi ako makakarating ngayong araw kasi may aasikasuhin ako"


"Ahh ganun po ba? Sige po sasabihin ko nalang sakanya para po maaga nyang mai-cancel"


"Okay bye,thank you"

Habang papalapit ako sa kinaroroonan nila ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila







"Wala na ba talagang pag-asang makakita ka pa?"






"Wala na,hindi narin naman ako umaasa.alam naman nating kapag engkanto ang kalaban mahirap diba? Mabuti nga hindi pa buhay ko ang kinuha"





"Magnus! Wag ka ngang magbiro ng ganyan? Kung kinakaylangang lumapit ako sa lahat ng albularyo gagawin ko wag ka lang nilang gagalawin,wala ako nung mga panahong kaylangan mo 'ko kaya ngayong andito na ako hinding-hindi na kita iiwan.magkalapit lang tayo ng bahay kaya wag kang magdadalawang isip na puntahan kami ni lola"






Shaman: The Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon