chapter5

1.1K 33 0
                                        

"Nicca ganito ang scene,palihim kayong magkikita ni Jervish dito.dito ka mismo sa punong 'to hihinto sa pagtakbo tapos yayakapin ka ni jervish at doon na kayo magpapalitan ng mga lines nyo understand?"






"Yes direk copy that!" Ani nicca kaya nginitian ko sya.kasalukuyan ko kasi silang ini-instruct ng mga dapat nilang gawin para sa next scene nila.kinausap sya ng kapwa artista at kasama sa pelikula kaya sandali akong pumunta sa tent para tignan ang lagay ng mga artista.pagbukas ko ng tolda ay kanya-kanya sila ng ginagawa.karamihan sakanila ay inaayusan na ng make-up artists.pumunta ako sa lalaking nagse-cellphone habang inaayusan ang kanyang buhok.






"Oh hi dir---








"Shhh" I put my index finger in my lips at sumenyas na ako na ang mag-aayos ng buhok ni jervish.ngumiti ito saka na kami iniwan








"Sir ayos na po ba 'tong hair nyo or gusto nyo pang baguhin ko?" Tanong ko habang pinalalaki ang pitch ng boses at palihim na humahagikhik.he's still busy in his phone playing zombie tsunami







"Okay na 'yan john.hindi naman ako gaya ng mga babae na kaylangan pa ng kung anu-anong pag-aayos"







"Ahhh ganun po ba?" Pahapyaw syang tumango habang tutok parin sa phone.walang anu-ano ay sinabunutan ko sya ng malakas dahilan para mabitawan nya ang phone nya.sisigawan na sana nya ang may hawak ng buhok nya ng makita ako gamit ng round mirror na may mga spotlight pa sa corners.typical mirror for artists







"Lily?"








"HAHAHAHA! Akala ko sasapakin mo na 'ko eh!" Umiling sya habang nakangiti kaya naupo ako sa katabi nyang folding chair.nawala na ang atensyon nya sa phone at tinitigan na 'ko









"Diba naturo ko na sayo yung mga gagawin mo and i'm sure saulo mo narin ang lines mo sa script? Magsisimula na tayo ten minutes from now"








"I'm still thinking bakit hindi nalang nga ikaw ang gumanap na stella? Mas bagay ka sa role na yun.the maria clara type of girl,yung babaing akala mo mahina yun pala may tinatagong angas at bangis,and makalaglag pangang kagandahan ofcourse!" Aniya pero muli ko syang piningot sa tenga








"Sira! Bagay rin naman yun kay nicca.sa auditions palang para sa role ni stella nakita na namin na si nicca ang capable at magbibigay ng justice roon.alam mo namang hindi ako interesado sa pag-arte diba?saka alam naman natin na kayo ang isa sa pinaka-tinitingalang loveteam.ayaw mo ba sakanya? Jackpot ka pa nga dahil ang isang bigating actor na gaya mo ay pinapares sa bigating actress din gaya nya"







Totoo naman.sa dami ko ng na-encounters at nakatrabahong artista iilan lang ang pinupuri ko.hindi nyo talaga alam kung gaano ako kaseryoso kapag nasa shoots and tapings.para akong isang leon na kapag hindi pulido at maganda ang kalalabasan ay grabe magalit sa mga talents.oo hindi naman maiiwasan yun,kaya rin naman sobrang sikat ng mga pelikula ay dahil sa higpit ko sa mga artists na 'to






"Love may tanong ako sayo?"






"Ano yun?"






"Hindi ka manlang ba nakakaramdam ng selos at galit kapag may mga intense kissing scene kami ni nicca? Or yung mga skin to skin moment namin sa bawat eksena na kunwari nagtatalik na kami?"







Nginisian ko lang sya "Seryoso ka ba? Bakit ako magseselos? Trabaho ko ito at bilang director ako ang nagbibigay ng utos sa mga artists ng gagawin nila.nagpapaka-proffesional lang tayo rito besides,may tiwala naman ako sayo.wanna know the truth? Mas magiging masaya pa nga ako kung iisipin nyo ng katrabaho mo na totohanan ng sa ganun purihin kayo ng mga manonood at sabihan kayo ng magagandang papuri dahil sa all-natural acting skills nyo"






Shaman: The Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon