"Direck ayos na po ba ang pakiramdam nyo?"
Pagdilat ko ng mata ay ang mga muka ng team ang nakita ko,nakatunghay silang lahat sakin maging ang mga artistang kasama sa set kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka
"Hindi pa 'ko mamamatay,magsi-alis nga kayo hindi na pumapasok yung hangin,kaya pala ako naiinitan!"
Hindi naman magkandamayaw ang ibang staffs sa pagkuha ng pamaypay,yung iba naman ay sinaksak ang electric fan at itinutok sakin.Iniisip talaga ng mga ito ang kapakanan ko pero minsan masyado silang O,A
Napaupo ako habang sapo ang noo "Ano bang nangyari sakin?"
"Direk bigla kang hinimatay,nahulog ka pa sa upuan buti nalang nasalo ka ng cameraman natin"
Sandali akong napaisip,ng may maalala ay agad kong binalingan ang mga staffs "Asan si magnus?yung kasama kong bulag?"
"Ay! Oo nga pala nung nawalan ka ng malay eh biglang umalis yung hottie mong kasama,sa palagay namin nagpunta sya dun sa magubat na parte nitong lugar.hindi na namin sya nasundan kasi nagpanic na kami sa lagay mo eh" Sagot ni tanya habang pinapaypay pa sa sarili yung hawak nyang script folder
Kumunot ang noo ko dahil sa lahat sila sakin nakatingin,napangiwi ako dahil yung mga mata ng lahat ng babaing staffs eh naghugis puso.seryoso?
"Teka nga girl----saang lupalop mo ba nahanap yung hottie na yun? Ikaw ha lapitin ka ng mga hunks,nung una si jervish tapos ngayon ito naman" Ani tanya kaya nakita ko yung facial expressions ng iba eh nag-aantay ng sagot ko
"Mamaya na ang tanong,sa ngayon maghanda na kayo kasi itutuloy na natin ang naudlot na shooting,hahanapin ko nalang muna si magnus!"
Sinimulan ko ng hagilapin sa kahit saang lupalop ng lugar si magnus,ang sabi ni tanya ay sa magubat na parte daw sya nagpunta kaya tinakbo ko na papunta doon,
"MAGNUS?!"
"MAGNUS!!! ASAN KAAAAAAAAAAAAAAA?"
MAGNU----
"Ingay!" Nakarinig ako ng mahinang boses at ng tignan ay si magnus.patakbo ko syang pinuntahan sa ilalim ng punong mangga kung saan sya nakaupo
"Ano bang ginagawa mo dito? Magstart na tayo ng taping,"
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Ito ayos na,ano bang nangyari? Nung nagising ako kanina wala ka ron sa tent?"
"Sinundan ko yung masamang espiritong muntik na sanang sumapi sayo.masama,masamang klase sya ng nilalang.hindi ka nya nasaniban ng tuluyan dahil nakita nya 'ko"
"A-anong nangyari sa pagsunod mo? N-nahuli mo ba sya?"
Umiling sya saka pumikit "Hindi,isa syang soul eater.natatandaan mo ba yung napanood nat--mo sa tv habang katabi ako? Yung mga taong misteryosong namamatay na hindi malaman ang sanhi? Nalaman kong sya ang gumagawa ng mga kababalaghang yun.ang soul eater na yun ang nambibiktima at balak ka sana nyang kunin din dahil sa kakaiba mong aura"
I felt goosebumps all over my body "Ako? Bakit gusto nya 'kong kunin?"
"Malalaman mo rin kung bakit pero sa ngayon,kaylangan pa kitang mas bantayan at tignan para mahuli ko ang soul eater na yun,gumala lang sya sa paligid at kung hindi ka man nya mahuli ngayon,hahanap sya ng ibang tyempo kaya hindi kita dapat ialis sa tabi ko"
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
