chapter1

3.5K 83 0
                                        

( Lily's POV)


Nakaupo ako sa isang usling punongkahoy na sa palagay ko ay puno ng narra.nilibot ko ng tingin ang kapaligiran kung nasaan ako ngayon.isang salita lamang ang maaari kong ma-describe sa paligid ko, PARAISO


Tumayo ako at pumunta sa talon malapit lang sakin.may mga reindeer at doe sa paligid sa tabi ng batis.inilagay ko ang mga kamay sa bumabagsak na talon at hinahayaang yakapin ng malamig at malinis na tubig ang aking kamay



Nagsalamin ako gamit ng malinaw na tubig.napangiti ako saka inayos ang koronang bulaklak sa aking ulo.tumayo akong muli sa aking inuupuang maliit na damuhan at minasdan ang payapa at magandang kapaligiran.napakaganda



Nagtaka lamang ako ng kaunti dahil hanggang bewang na ang haba ng aking buhok samantalang hanggang dibdib lang naman talaga ang haba nito na medyo maalon.ang kasuotan ko rin ay puting bestida na hanggang talampakan


"HERMY........"




"Anak ng tokwa!"







Automatic na dumilat ang dalawang mata ko ng makaramdam ng sakit sa likuran.ng tuluyang magising ay napaupo ako habang hawak ang batok.nilibot ko ng tingin ang kapaligiran pero nangunot agad ang noo ko ng mapagtantong wala na naman ako samin,hindi na naman ako nagising sa sarili kong kwarto









"Dyaskeng bata ka! Papatayin mo ba 'ko sa nerbyos?!" Halos mapatakip ako ng tenga dahil sa boses matanda na medyo pasigaw.pagtingala ko ang nakasimangot na si aling teresa ang bumungad sakin.nakapameywang habang hawak sa kaliwang kamay ang walis tingting









"A-ano bang nangyari?" Mahinang tanong ko pero ang matanda sa harap ko mukang narinig ang binulong ko









"Hayy! Paggising ko para sana magwalis dito sa bakuran ko nagulat ako at kinabahan dahil nakita kita dyan sa mataas na sanga ng puno ko.tulog na tulog ka pa.ikaw na bata ka ano bang trip mo sa buhay? Iniisip ko nga baka kagabi ka pa dyan natulog sa itaas ng punong santol.ang taas-taas nyan naakyat mo na ganyan ang suot mo?"









Kahit ako nagtataka rin..paano naman kasi naka-skyblue akong bestida na hanggang talampakan.long sleeve na turtle neck style kaya pagkakamalan talagang white lady ang nagsusuot.Oo ganito talaga yung pantulog ko at hindi pajamas.american style kasi tayo hehe








Tinulungan akong tumayo ni aling tere.nagpasalamat ako at tinulungan narin nya 'kong pagpagan ang suot kong pantulog na puro na bulok na dahon at damo








"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo?"








"Wala naman po akong nararamdaman bukod sa gutom"









Kakamut-kamot pa sya sa buhok nyang puro uban "Ha?sigurado ka ba? Eh bumagsak ka kanina! Ang taas ng binagsakan mo lily.hindi ka ba nabalian ng gulugod? Ikaw na bata ka dapat talaga mag-asawa kana para may magbabantay sayo kung sakaling mag-sleep-walk ka.jusko ako ang kinakabahan sayo eh!"








Humarap ako sa puno ng santol..ang taas nga nito at hindi maaakyat ng isang gaya ko lang,siguro kung expert na akyat-puno makakayang akyatin 'to.ang natatandaan ko natulog ako sa malambot kong kama sa kwarto ko pero nangyari na naman pala 'to








And it's freaking 17-times already!!









Oo tama kayo,sa t'wing natutulog ako sa kama ko i had this weird pero realistic dream pero kapag nagigising ako kung kani-kaninong bakuran,puno,o garden ako nagigising.i've tried to consult psychiatrists pero wala naman daw kakaiba sakin.meron din sa isang hypnotism experts pero maging sila wala namang kakaibang nakita sakin.kung ordinaryong sleep walk lang 'to bakit ang layo naman ng nararating ko? And how come hindi ako naaaksidente while walking in the middle of the night?








Shaman: The Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon