Inobserbahan ko ang scripts at mga gaganap na artista sa kani-kanilang roles ng mapahinto sa isa.tinawag ko ang casting director na si jane kaya agad itong lumapit sakin
"Ano 'to? Bakit bakante pa ang role na 'to?"
"Ah 'yan ba? Wala pa kasi akong artistang naiisip na gaganap dyan eh,yung ilang artistang nakausap ko na may edad na eh meron ng kanya-kanyang line-up teleseryes"
Muli kong pinagmasdan ang nag-iisang role na nabakante,bigla kong naalala ang isang taong babagay sa role na 'to kaya nakangiti kong binalingan si jane sa tabi ko
"Hindi na natin magiging problema 'to jane,meron na 'kong taong naiisip na fit sa role na 'to!"
She jumped happily "Talaga po? Naku! Maraming salamat direk at hindi na 'ko mahihirapang maghanap ng taong gaganap para dyan"
.........................................
"ANO?!"
Saglit akong napapikit dahil sa sigaw ni magnus,nakaupo kaming dalawa sa sofa habang nanonood---no actually ako lang ang nanonood dahil bulag naman itong kasama ko,kumbaga pinakikinggan nalang nya ang pinapanood namin at syempre nagluto ako ng popcorn para masaya ang panonood at dagdag suhol narin sakanya
"Ang sabi ko,pwede ba kitang hiramin para sa isang role" pag-uulit ko kaya yung noo nya kunot na kunot
"Hihiramin? Anong akala mo sakin gamit o bagay? Saka ano namang alam ko sa pag-arte arte na 'yan?"
Mas lumapit pa 'ko sa tabi nya "Kaya nga tuturuan kita eh kung hindi mo man makikita yung mga lines mo sa script eh sasabihin ko nalang tapos repeat after me then kakabisaduhin mo,as easy as that"
"At ano naman ang kapalit? Saka gaano ka naman kasiguradong papayag ako sa kalokohan mong 'yan? Hindi ba't director ka? Dapat may nakukuha na kayo para sa ganyang role?"
"Magnus!" I whined "Hindi purke't director ako ay mapapapayag ko ang lahat ng artista,saka nung nakita ko yung role ng albularyo ay ikaw agad ang una kong naisip tutal magaling kang shaman edi bawas na sa magiging problema sa pagbato mo ng lines,saka sa itsura mo natural talaga para sayo yung role na ibinibigay ko sayo.isang albularyo na mukang ermitanyo.hindi na kaylangan ng prosthesis or kahit na anong kolorete sayo para magmuka kang pekeng albularyo dahil totoo ka naman"
He tilted his head in my direction kaya napatitig ako sa purong white nyang mga mata.
"Muka ba talaga akong matandang albularyo para sayo?"
"Oo..atleast hindi narin masyadong gagastos ang management ng mahabang wig,pekeng balbas at bigote para magmuka kang albularyo dahil all-natural ka na.saka ang totoo nyan magnus kaya talaga kita kinukumbinse eh dahil sa para parati narin tayong magkasama"
"Ano bang gusto mong iparating ha?"
"Kahit sa mga tapings and shootings walang pinipili ang mga 'nilalang' para guluhin at gambalain ako.dati nga thrice a month akong nahihimatay at nasasaniban sa mismong setting ng pinag-shoot-tingan namin,mabuti nalang at agapay ako ng lahat ng staffs maging sila jerv---nevermind.basta magnus please,pumayag ka na? Ikaw na talaga ang gusto kong kunin at bagay ka talaga sa role na 'to,saka ayaw mo nun?bukod sa kikita ka ng 10k eh makikita ka pa sa tv at kung maganda ang maging performance mo at makitaan kita ng potential sa galing sa pag-arte ay okay----malay natin officially na kitang kukunin sa mga ipo-produce kong movies,ako pa ang magiging manager mo.kung mabait ka sakin at gagalingan mo pasisikatin kita"
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
