"HERMY"
Nawala ang atensyon ko sa mga naggagandahang ibon ng may marinig akong boses lalaki.ng lingunin ko ito ay nanlaki ang mga mata ko at halos bumuka ng kaunti ang bibig ko
May lalaki sa harap ko na siguro'y nasa pitong talampakan ang taas.tanging bahag lamang sa ibabang bahagi ng katawan ang suot na parang feather ng peacock.may iilang pintura sa katawan at bahagi ng muka na parang may glitters.patulis ang mga tainga at mahaba ang hanggang dibdib na buhok na kulay puti.ang mga paa nya ay parang sa isang manok
Ano sya? Sino sya?
"Hermy..mabuti at nakabalik ka na rito" ani ng lalaki sa harap ko.isa ba syang engkanto? Or Maligno?
"S-sino ka? Ako ba ang tinatawag mong hermy?" Kinakabahang tanong ko.kahit kakaiba ang itsura nya i have this uncertain feeling na harmless sya infact parang matagal ko na syang kilala,
Siguro dahil kahit kakaiba ang itsura nya muka syang maamong tupa.or baka dahil may kahawig syang crush kong hollywood actor?
Tumawa ito ng mahina."Bakit? May iba ka pa bang nakikita dito bukod sating dalawa?"
'Di rin sya pilosopo ano?
"T-teka hindi kasi hermy ang pangalan ko.ako si lily" Sagot ko.muli ay binigyan nya 'ko ng mala-tom cruise na ngiti
"'Yan lang ang gamit mo sa ngayon pero kapag nakabalik ka na at naliwanagan malalaman mo rin ang tunay mong ngalan"
Nagulat ako lalo na ng unti-unti na syang nawawala at nagiging glitter dust na nilipad ng hangin sa dako paroon.nagpanic ako dahil marami pa sana akong gustong itanong sakanya
"T-teka sandali....may itatanong pa 'ko wag ka munang umalis!" Sigaw ko pero nawala na sya ng tuluyan.tanging mga tunog na naman ng ibon at kulisap ang naririnig ko sa paligid.
"Huy mr,tom-cruise-look-alike teka lang.itatanong ko lang sana kung pwede ba kitang kuning actor sa mga idi-direct kong pelikula?" Sigaw ko ngunit wala na talagang ibang tao rito sa paraiso maliban sakin.
"Lily wake up!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ingay at yugyog sakin.pagmulat ko ng mga mata ay agad akong kumiwal paalis sa kinalalagyan ko
"Anong ginagawa mo dyan be?nakakaloka ka naman!" Napakamot ako sa buhok sabay tingala sa bakla kong kapitbahay.narealize kong nagising na naman ako sa mga taniman nya ng gumamela.
Napatingin ako sa hawak nya.meron syang maliit na gardening shovel sa kaliwang kamay at hose sa kanan
"Magdidilig sana ako at tatabasin yung mga pabulok na flowers pero nakita kita dyan na nakasiksik sa mga bulaklak ko.anong ganap mo dyan be?" Muli nyang usisa
Uhm....pwede ko bang sabihin na nag-sleepwalk ako tapos lagi akong nagigising sa bakuran ng mga neighbors ko?
"Ah haha ano kasi---Tina gumagala lang ako dito sa garden mo.dami mo palang flowers.!" Pagtawa ko habang kumakamot sa batok.pansin kong jinu-judge nya 'ko base sa tingin palang na pinupukaw nya sakin
"Ha?" Clueless nyang tanong sakin "Gumagala ng ganito kaaga? Saka nagtataka lang ako kung paano ka nakapasok sa gate ko samantalang naka-lock? Yung suot mo be nakapantulog ka pa"
Hindi ko nalang sya sinagot at nagpaalam na.alam kong karamihan sa mga kapitbahay nawe-weirduhan na sakin pero wala naman akong maipaliwanag sakanilang rason dahil maging ako hindi alam ang dahilan
Habang naglalakad sa kalsada ay nakita ko sa 'di-kalayuan si jervish na pawisan at lumilinga-linga sa paligid.ng magtagpo ang mga mata namin ay nakita kong narelief sya saka tumakbo papunta sakin
"Sorry kung hindi kita nabantayan.kasalanan ko,ayan tuloy nagising ka na naman sa bahay ng iba"
"Wala yun.isa pa pagod ka sa maghapong tapings at commercials mo kahapon kaya wala kang kasalanan.halika uwi nalang tayo para makakain ng breakfast" magka-holding hands kami habang naglalakad pauwi.buti nalang at wala pa gaanong tao dahil paniguradong pagkakaguluhan sya.hindi ko naman sya mapoprotektahan sa mga obssessed fans nya dahil ang liit at payat 'ko isa pa director ako at hindi bodyguard ng artistang gaya nya
Pagpasok na pagpasok palang namin sa bahay ay may malamig na hangin ang yumakap sakin.kasabay nun ay ang biglaang pagtirik ng mga mata ko at ang pandidilim ng paningin
....................................
Nagising ako na nasa kama ko.napaupo ako habang nakangiti dahil for the first time ata akong nagising na nasa sarili kong kama.napatingin ako sa pinto ng biglang iluwa noon si jervish na may hawak na tray.inilapag nya yun sa mga hita ko
"Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Ito maayos na..ano bang nangyari sakin?" Tanong ko habang pinagmamasdan syang ayusin ang pagkain ko
"Nag-alala ako sayo.bigla kasing tumirik yung mga mata mo tapos nag-collapse ka."
"Dala lang 'to ng pagod siguro.ikakain ko nalang 'to" nakangiti kong sagot sakanya sabay sunggab nung kanin.napangiti sya marahil sa magana kong pagkain
"Don't do that again okay?" Nabitin sa ere ang pagkain ko saka sya tinignan ng may pagtataka.hinawakan nya 'ko sa kamay
"Jervish?"
"Sobra akong nag-alala sayo kanina.let me take care of you just for today okay? Since wala naman akong schedule ng shooting ngayon.wag ka ng magrereklamo dahil hindi muna ako aalis dito.magdamag kitang babantayan at magmo-movie marathon tayo" Eh wala naman akong laban sakanya kaya tumango nalang ako at binigyan sya ng secured na ngiti.
Habang kumakain ay hindi mawala-wala sa isip ko ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay.malakas kasi ang hinuha kong hindi lang dala ng pagod yun.yung hangin na sumalubong sakin kanina when i entered my house,hindi sya ordinaryo at yun ang ayaw ko munang sabihin kay jervish dahil mag-aalala na naman sya
That is a mist and it smells horribly bad
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
