Sabi nga nila na ang rejection pwedeng gawing motivation kaya ako? Ito palaging nagpupunta sa gubat na tinitirhan ni mang jose.oo binabyahe ko kahit malayo basta makumbinse ko lang at mapapayag yung cold na lalaki although hindi ganun kadali ang lahat
Ng mga unang araw na pagpunta ko doon ay walang pagbabago,palagi nya 'kong pinagtatabuyan.napakasungit pa nya
Nagdadala ako ng pagkain para pakunswelo pero wala lang sakanya.nandyan yung binilhan ko sya ng domino's pizza pero pinakain nya lang sa mga ligaw na aso,yung donut na dalawang boxes pero tinapon nya lang sa basurahan,tapos yung baked mac na ako pa mismo ang gumawa eh napanis lang dahil nung binalikan ko kinaumagahan kung saan ko nilapag nanduon lang at inamag pa
Kasalukuyan kong minamaneho ang kotse papuntang muli sa gubat na wonderland.oo yun na yung tawag ko sa lugar na yun,ang ganda kasi eh
Habang naka-stop light ay nakangiti kong sinulyapan ang mga groceries na nasa pasengger seat,para kay mr,suplado yun..wala na 'kong pakialam kahit ano pang gawin nya sa mga ito,itapon nya or ipamigay,nae-excite akong magpunta sa lugar na yun dahil sa sobrang ganda isa pa payapa ang paligid.malayo sa polusyon at mga toxic na tao
Nagmadali na 'kong pumasok muli sa kagubatan pero nasa kalagitnaan na 'ko ng paglalakad ng makarinig ng mga yabag at kaluskos at dahil nga natural na yun ay ipinagsawalang bahala ko nalang.
GGGGGGRRRRRRRRRR!!!!!!
napahinto ako at biglang kinabahan.parang aso na handang mangagat ang naririnig ko.napatingin ako sa bandang likuran ko ng makitang gumagalaw ang mga halaman.hinintay ko ang mga susunod na mangyayari at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang isang malaking oso na sasakmalin na 'ko.ang pula ng mga mata nya at napakahaba ng mga kuko
"AAAAHHHHHHHHH!!"
Parang slow motion gaya sa mga pelikula,may taong yumakap sakin at pinaikot ako dahilan para magkabaligtad kami ng pwesto.mabilis kaming napaupo ng taong yun at rinig na rinig ko ang oso pero mas naging visible sa pandinig ko ang mahinang pagmumura ng taong yumakap sakin.mag-aangat na sana ako ng muka ng muling hawakan nya 'ko sa ulo at ibaon ang muka ko sa dibdib nya.sobrang lakas ng tibok ng puso ko pero walang-wala sa taong kayakap ko.
Nanlalaki parin ang mga mata ko dahil sa bilis ng pangyayari,nanatili kami sa ganung posisyon ng mga sumunod na segundo.titignan ko na sana ang mga nangyayari ng mas lalo nyang ibaon ang muka ko sa dibdib nya
"Anong---
"Wag kang gagalaw.pumikit ka lang at sundin ang sinabi ko kung gusto mo pang mabuhay!" Aniya with his signature cold voice,tumango nalang ako at pumikit ng mariin
Mga ilang minuto rin kami sa ganun.ng hindi ko na naririnig ang mabangis na oso ay humiwalay na sya sa pagkakayakap nya sakin kaya nakikita ko na ulit ang paligid ko.nakita ko ang oso na naglalakad na palayo samin.sunod kong tinitigan ang muka ni mr,suplado
Walang bakas ng kahit anong reaksyon.parang hindi na sya natatakot at parang natural na lang sakanya ang maka-encounter ng ganung klase ng hayop.namalayan ko nalang na tumayo na sya kaya ganun narin ang ginawa ko
"Sabi ko naman kasi sayong wag ka ng pupunta dito diba? Kita mo na? Paano kung hindi ako dumating? Baka nagkapira-piraso na ang mga laman-loob mo dyan at ginawa ka ng hapunan ng mabangis na oso! Nag-iisip ka ba talaga? Oh baka wala kang utak!" Sigaw nya sa muka ko
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasiMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
