"Magnus gising na,breakfast is ready!"
Sa ikalimang beses ay kinatok ko ang pintuan sa kwarto ni mamang shaman pero kanina pa walang sumasagot,huminga akong malalim at muling kinatok ang pintuan
"Mamang shaman.tara na hindi na masarap yung pagkain 'pag lumamig!" Still no response
"Lily?"
"Ay bilat ka--
"Anong ginagawa mo dyan?"
Lumingon ako sa likuran,there he is.medyo magulo ang wavy nyang buhok at nangangalumata pa,napangiti ako ng mapansing suot nya yung pair of pajamas na binigay ko sakanya.pinaghandaan ko na kasi yung pagtira nya dito kaya binilhan ko sya ng ilang damit,napansin ko kasing puro luma at kupas na yung mga dati nyang damit
Yung design ng pantulog nya eh si doraemon,okay lang hindi naman sya makakapagreklamo dahil hindi naman nya nakikita ang itsura nya ngayon
"Saan ka ba galing? Kanina pa kita kinakatok eh"
"Dun lang sa bakuran nyo,nag-obserba lang.bakit may kaylangan ka ba?"
"Kakain na tayo ng breakfast,tara na!" Hindi ko na sya hinintay na sumagot at hinila na sya papunta sa mesa sa dining area.pinagsandok ko na sya ng fried rice at nilagyan narin ng bacon,hotdog and egg ang plato nya
"So?" I started "Since dalawa na tayo dito sa bahay ay asahan mong magluluto na 'ko ng pagkain para satin,nung ako lang kasi ang mag-isang nakatira ay puro instant noodles lang ang pagkain ko.dahil tutulungan mo naman ako eh paglulutuan kita ng masarap araw-araw"
He's grinning while taking a sip from his coffee "Talaga lang ah?"
"Oo naman,wag kayong mag-alala aalagaan ko kayo dito ni eclipse"
"Lily?"
"Oh?"
"Nung nagpunta ako kanina sa bakuran mo ay may nalaman ako,hinawakan at inobserbahan ko ang puno ng mangga mo,doon nagmumula ang paglabas-masok ng mga nilalang na nanggagambala sayo,kumbaga ang puno ng mangga ang lagusan nila para makapunta dito.malakas ang pakiramdam kong sa bakuran mo nananahan ang mga nilalang na gumagambala sayo"
Naibaba ko ang tinidor na may hotdog at gulat syang pinagmasdan "T-totoo ba?"
"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nya habang kinakapa ang kutsara
"A-attend ako mamaya ng isang presscon para sa release ng movie ko.bakit?"
"Pwede ko bang mahingi ang ilang minuto mo,kaylangan mo 'kong samahan sa bakuran para mag-alay ng dasal at magpausok mamayang alas-dose ng tanghali,akala ng ilan sa hatinggabi malakas ang mga nilalang pero nagkakamali sila dahil sa tanghaling tapat sila mas aktibo"
"Okay.sasamahan kita but for now let's enjoy our first day of breakfast together? Ayoko naman kasing gawing nakakatakot ang atmosphere" Tumango sya kaya ng mga sumunod na sandali ay nagkwentuhan kami tungkol sa ibang bagay
......................................................
Nagsindi kami ng tig-isang insenso.nag-lagay ng isang basket na puro prutas ang laman para daw sa alay.sa ganung paraan daw ay hindi na ako masyadong gagambalain ng mga nilalang.nagdarasal sya sa wikang latin habang mahinang binibigkas ang mga salitang hindi ko man maintindihan,alam kong makapangyarihan
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasiMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
