"Lily?"Nagi-instruct ako sa mga artista ng gagawin ng lapitan ako ni tanya,ng lingunin ko ito ay hingal na hingal pero nakangiti
"Anong kaylangan mo?"
"Mamayang 8pm pwede ka bang pumunta sa pavilion? May bago raw kasing pelikulang gustong ipahawak sayo ang management5."
Kumunot naman yung noo ko dahil sa pinagsasabi nya "Na naman? Eh itong ishu-shoot natin pinapagawa nila diba? Hindi pa nga 'to tapos tapos may bago na naman? Ano bang balak nila? Baka nakakalimutan nila napapagod din ang lahat ng staffs at mga artists natin?"
Halatang nagpanic sya sa sinabi ko kaya winagayway nya ang mga palad sa muka ko "Ah-eh ano---hindi naman yun lily,basta sinabi lang sakin ng secretary ni Sir,Reynaldo na kaylangan mo raw pumunta dun.syempre kilalang director ka kaya mahalaga ang presence mo roon"
Ang weird ni tanya
"Pwede bang sabihin mo nalang na pagkatapos na nito? Marami din kasi akong naka-line up na gagawin.meron pa ngang kumukuha sakin para sa isang commercial"
"Lily please! Kaylangan mo ngang pumunta dun mamayang gabi.please naka-oo na kasi ako kaya hindi---
"Naka-oo? Bakit hindi mo muna 'ko tinatanong?" I yell
"Tsk! Nakalimutan kong itanong sayo kanina eh,Sige na naman oh? Please?" She pleaded with matching puppy eyes
"Oo na basta itigil mo lang 'yang pagpapacute mo,sagwa eh!" Bigla syang tumawa ng malakas saka ako niyakap
"Thank you lily,sigurado akong matutuwa ka.bye na see you later" Sabi nya saka na tumakbo paalis,napailing nalang ako dahil sa ginagawa nya,kilala ko si tanya at sa mga tumatakbo sa isip nya, I knew there's something off
.................................................
8:30 na ng tignan ko ang wristwatch,saktong natapos na ang paunang araw ng taping kaya nagmadali narin ako para makarating sa pavilion,thirty minutes late na 'ko kaya dali-dali na 'kong nag-drive all the way, si Luis na nga yung inutusan kong magpack-up at mag-asikaso sa closing
Pagdating ko sa venue ay kataka-takang maraming ilaw sa labas,pagbaba ko sa kotse ay muntikan pa 'kong madulas dahil sa nakakalat na rose petals.anong pakulo 'to? Magmi-meeting lang naman sa mga management?
Dahan-dahan akong pumasok sa loob,pagdating ko kay manong guard ay nakangiti ito ng malaki sabay abot sakin ng isang punpon na pink roses
"Magandang gabi direk.pasok na po kayo,naghihintay na sya!"
Kahit takang-taka na ay tinulak ko ang pintuan only to find out na hindi ang buong management5 ang sasalubong sakin.my eyes widen in shock at natakpan ko ang bibig
Lumapit sakin si jervish while wearing his smile,napakaganda ng paligid at romantic ang datingan gaya sa mga pelikula at teleseryes,kumunot ang noo ko lalo na ng hawakan nya ang kamay ko at ikayag papunta sa table for two,my scented candles pa at maraming pagkain.
"Alam mo naman kung anong meron ngayon diba? Pinahanda ko ang mga favorites natin at yung gusto mong bulaklak.sana nagustuhan mo"
"Jervish ano 'to?"
"Ito ang ika-limang anibersayo natin.wag mo sabihing nakalimutan mo na? Alam kong galit ka parin sakin pero sana pagbigyan mo 'ko at magcelebrate tayo ng tayong dalawa lamang.only you and me!"
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?