chapter13

487 14 0
                                        

( Magnus POV )


"Anak?"

Kataka-takang nakikita ko ang mga nasa paligid ko,lumingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses ng ama ko


"Tay?"



Nasa gitna sya ng sa palagay ko'y dagat,nakatayo,nakangiti sakin kagaya ng palagi nyang itsura noong nabubuhay pa sya.gusto ko syang lapitan pero may kung anong pwersang nagpipigil sakin



"Nakikita kita sa kinalalagyan ko.proud na proud ako sayo,ikaw na ang pumalit sa pwesto ko bilang isang shaman gaya ng mga itinuro ko sayo at mukang mas hihigitan mo pa ang kakayahan ko,muka ngang ipinanganak ka para rito"


"Tay miss na miss na kita!" Bading man tignan pero napaluha ako.ang pagkamatay kasi ni itay ay biglaan kagaya ng taning sakanya ng hari ng mga engkanto pero may kwento yun at hindi ngayon ang tamang panahon para roon



"Hindi ko na 'to pahahabain,kaylangan ka nya anak.hindi na kita sasabihan dahil alam kong alam mo na ang dapat mong gawin gaya ng dati..mag-iingat ka dahil sa ngayon ikaw na ang target nila,wag kang gumaya sakin,maging matapang ka para sakanya"



Nakita kong nilalamon na si itay pailalim sa dagat kaya lumaki ang aking mga mata at pilit syang inaabot "Tay?"



"Anak tulungan mo sya...................gawin mo ang sinasabi ng puso mo pati na ang isinisigaw nito at yun ay SYA"


"TAAAAAAAYYYYYYYY!"





Napabangon ako sa higaan na naliligo sa pawis.mabilis kong kinapa sa katabing mesa ang damit at nagbihis.kinapa ko ang patpat at sandaling naupo sa gilid ng higaang kahoy.








Napakuyom ako ng mga kamao ng dahil sa napanaginipan,ibig sabihin natunugan na ng mga engkanto ang ginagawa ko? Kukunin din ba nila ako gaya ng ginawa nila sa itay ko? Pwes hindi ako natatakot at handa akong lumaban kahit buhay ko ang maging kapalit






Basta................lahat gagawin ko para sakanya,sa babaing pinakamamahal ko

****************************








( Lily's POV )


Muli akong pupunta kay magnus para kausapin sya at kumbinsihing sakin na tumira,hindi nga madali itong favor ko sakanya pero nararamdaman ko ring papayag sya







Dala ang mga groceries ay lumakad na 'ko papasok sa gubat pero bago yun ay nagpahid na 'ko ng katas nung halaman sa leeg ko,simula ng ginawa ko yun ay wala ng nangyayari saking masama t'wing maglalabas-masok ako rito sa gubat.







Ang sabi kasi sakin ni magnus ay hindi nalalaman ng mga hayop ang presensya ko dahil sa binigay nya.kumbaga invinsible ako,sya at ang tanging kalikasan lang ang makakaramdam at makakakita sakin









Ng marating ko ang gitna ng gubat ay napangiti ako lalo na ng matanaw ko si mr,shaman na may dalang bayong at naglalakad sa gitna ng tanim nyang talong.tumingkayad ako at sinikap na hindi lumikha ng ingay,nilapag ko ang mga dala sa lupa at pumwesto sa likuran nya,akma ko syang gugulatin ng..........







"Ang aga mo naman ata?" Imbis na sya ay ako ang nagulat,i compost myself saka sya sinabayan sa mabagal na paglalakad nya,napansin kong nagha-harvest pala sya ng mga talong.pinipisil nya tapos iiling sya at lilipat na naman sa kabilang seksyon ng taniman









Shaman: The Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon