chapter30

602 19 0
                                    

Napadilat ako ng mga mata na puting kisame ang unang bumungad,tanging life machine at aircon ang naririnig ko,napabangon ako na medyo masakit ang katawan,pagtingin ko sa sarili ay naka-patient gown ako,may IV sa kanang kamay at may benda sa palibot ng noo






Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon at pumasok ang isang nurse,ngumiti ito sakin kaya ginantihan ko sya ng ngiti,






"Maam kunan ko lang po kayo ng dugo,!" Aniya saka na hinanda ang syringe







"Ahm nurse,ilang araw na ako dito sa ospital? Ano bang nangyari?"






Sandali syang nahinto sa ginagawa at taka akong pinagmasdan,maya-maya lamang din ay inangat na nya ang manggas ng suot ko at pinahiran ng cotton balls ang parte na tuturukan "Wala po ba talaga kayong naaalala?"






Sinubukan kong alalahanin pero ayaw magproseso ng utak ko kaya umiling ako sakanya






"Naaksidente po kayo,yung kotse po na minamaneho nyo ay bumangga sa puno ng balete,mabuti nga po at wala kayo masyadong bali sa katawan or injuries,"







Napatango ako "Eh nurse kung ganun,ilang araw na ba akong nandito?" Muli---isang nakakapagtakang tingin ang pinukaw nya sakin







"Naku maam! Higit dalawang linggo po kayong walang malay,ngayon lang po kayo nagising simula ng maaksidente ka" ano? Dalawang linggo? Ang tagal naman ata?






"Nga po pala maam,nung mga panahon na wala kayong malay ay palagi po kayong binibisita dito ni sir jervish,yung actor po,palagi syang may dalang kung anu-ano gaya ng prutas,palagi po nya kayong bantay at minsan sya na rin po ang nakikipag-usap sa doctor tungkol sa lagay nyo"





Biglang nag-sink in sakin si magnus....si magnus






"Nurse pasensya na muli kung magtatanong ako pero-----yung lalaking kasama ko nung maaksidente ako,asan sya? Saang kwarto sya nakalagak?"







Ayun na naman ang nagtatanong nyang tingin "Maam wala po kayong kasamang naaksidente ng isugod kayo rito,mag-isa lang po kayo nung nakita ng ambulance team sa loob ng kotse nyo,may natagpuan nga po sa lap nyo na isang karton ng sapatos pero walang laman,"







Tulala ako sakanya na hindi ko namalayan ang sakit dulot ng tinurok nya,"Sige po maam balik nalang po ako mamaya para icheck po ang lagay nyo,sa ngayon po wag muna kayo masyadong gumalaw at magpahinga,baka po mamaya babalik dito si sir jervish para dalawin ka"








Kahit nung umalis na ang nurse ay wala akong galaw.asan si magnus? Anong nangyari sakanya? Nasaan sya?







Maya-maya ay muling bumukas ang pintuan at ang nakangiting muka ni jervish ang bumungad na may dalang mga prutas na nakalagay sa basket






"Lily,nag-alala ako sayo mabuti naman at gising ka na,tell me anong nararamdaman mo? Ayos na ba ang pakiramdam mo? Tatawag ako ng doct---







Natatawa kong hinawakan ang braso nya para pigilan sya "Jervish kumalma ka nga,masyado ka namang nagpapanic eh.wag kang mag-alala ayos lang ako,tapos na akong suriin ng nurse kanina"







Muka syang nakahinga ng maluwag,naupo sya sa upuan sa tabi ng kama ko saka hinawakan ang kamay kong walang IV.






"Nag-alala talaga ako sayo lily,akala ko kung mapapano ka na--







Shaman: The Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon