"Sa maniwala ka o hindi,nakausap ko ang oso.natural na magagalit at magiging mabangis ang kanyang pag-uugali lalo na kapag nakakakita ito ng hindi pamilyar na tao,alam naman nating may mga mangangaso sa bawat gubat at sa malamang--inakala nyang isa ka sa mga walang-awang tao na gagawin ang lahat para mahuli sila at gagamitin sa pansariling interes nila"
Nakakatuwa kasi---yung itsura namin i find it very funny yet weird at the same time.paano naman kasi naka-indian seat ako sa sahig habang nakatingalang nakanganga sakanya at nakikinig ng ilang kwento nya,samantalang si magnus sa isang banda--nakaupo sa kaharap kong upuang tumba-tumba habang may dinidikdik na mga dahon sa mesa gamit ng mortar and pestle.as usual walang reaksyong mababakas sa muka lalo na sa mga mata nya,
"Nakakabilib nga talaga ang mga shaman?" I breath out amusingly habang sya wala lang.ng matapos sya sa ilang minutong pagdikdik sa mga dahon ay binuhusan nya ito ng maligamgam na tubig sa isang palangganang maliit,binabad sandali pagkatapos pinigaan nya na parang nagbabanlaw lang ng mga damit.
Nakita kong may kinakapa-kapa sya sa harap ng mesa at ng mahawakan ang isang maliit na vial ay doon nya binuhos ang katas ng dahon na kulay berde at ang mas nakakapagtaka may halong dilaw na kulay.sinara nya gamit ng takip saka inabot sakin
Nagtaka nga 'ko eh,tapos inaabot nya doon sa likod nya eh wala naman ako roon? Ang siste tumayo ako at pumunta sa likuran nya para doon abutin ang binibigay nya sakin
"Para saan 'to?"
"Mahina kang pumick-up ano?" Aniya "Isang magandang klase ng halaman na hindi mo basta-basta matatagpuan sa kahit saang gubat dito sa pilipinas.kapag pupunta ka rito araw-araw ay kaylangan mong magpahid ng katas sa kahit saang bahagi ng katawan mo.maniwala ka malaking tulong 'yang binigay ko sayo"
Napanguso ako saka binulsa yung vial "Ikaw talagang shaman ka walang araw na hindi tayo nagkikitang hindi mo 'ko iniinsulto.sorry kung hindi ako maka-gets agad,eh kasi naman anong alam ko sa mga ganito eh ordinaryong tao lang ako at hindi ako gaya mo,weird ang trabaho ng mga gaya mo!"
Ngumisi sya saka inilihis ang muka sakin.ang mga mata nyang kulay puti ay biglaang lumiliit kaya natakot ako.ano ba'yan? Parang mata ng aswang
"Gaano ka ba talaga kasiguradong normal na tao ka lang? Normal ako pero ikaw ewan ko" makahulugang sabi nya "Isa pa,may dahilan ang lahat ng mga bagay na sinasabi mong 'weird' maging ang peklat mo sa likuran ay may dahilan din"
Nanlaki ang mga mata ko at namalayang hawak ko na ang damit kung nasaan banda yung peklat kong pula
"P-paano mo 'to nakita? Wala naman akong sinasabing kahit na ano sayo ah? Saka ilang araw pa lang tayong nagkikita kaya hindi mo pa 'ko kilala,at ako--- wala rin naman ako gaanong alam tungkol sayo maliban nalang sa isa kang shaman"
Ipinikit nya ang mga mata nya at sinandal ang sarili sa inuupuang tumba-tumba.he's starting to swing himself back and fort na parang isang relaxed na ermitanyo
"Gaya nga ng sinabi mo,wala kang gaanong alam sakin at ganun din ako sayo pero---ang aura na bumabalot sayo ang bahalang magsabi sakin ng lahat ng tungkol sayo.kahit hindi ka magsalita tungkol sa sarili mo amoy na kita,hindi mo parin ba talaga alam ang kaya kong gawin pati na ang lahat ng nangyayari sa paligid mo? Kung ganun--" aniya saka tumawa ng mahina "Muka atang mas ikaw ang bulag sa 'ting dalawa"
"Ano? Bakit?"
"Tama na ang tanong.magmadali ka ng umuwi bago ka abutan ng dilim sa daan.manila pa ang uuwian mo,kapag lumabas ka tandaan mo at bago ka pupunta rito--magpahid ka ng kaunti sa balat mo ng binigay ko sayo.kung magtatanong kang muli---kaamoy ko ang binigay ko sayo at kapag naglagay ka sa sarili mo,iisa na tayo ng amoy at sa ganun walang mangyayaring masama sayo,hindi ka lalapitan ng mababangis na hayop kahit saan"
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
