"Wow! I never thought you're good at cooking,akala ko kasi magaling ka lang manghula"Nandito parin ako sa bahay na wonderland ni magnus at kasama ko pa syang nanananghalian.nasa paanan namin si eclipse na umiinom ng gatas na dala ko,kanina pa nga 'ko nagsasalita at pinupuri sya dahil sa simpleng talong lang ang ulam namin ngayon pero ibang klase ang sarap,
Mas maganda 'to kapag sa bahay ko na sya tumira.may tagaluto na ako at hindi ko na kaylangang magtyaga sa mga instant noodles
"Bakit? Sa maynila ka nakatira at sa pagkakaalam ko merong mas mamahalin at masasarap na kainan dun.eh bakit sa ganyan lang sobra kang namamangha? Daig mo pa ang kumakain ngayon ng lechon eh"
Kain parin ako ng kain at hindi ko na sya nakuhang tignan "Eh syempre,sa sobrang busy ko sa mga tapings at mga commitments ko sa trabaho hindi na 'ko nakakapunta ng maayos sa mga restos at hindi na ko nakakakain ng pagkain ng tao.puro na nga lang ako instant noodles dahil bukod sa madaling lutuin,convenient pa dahil sa mura at pwede kang makabili sa paligil lang"
Napahalukipkip sya at pinaningkitan nya 'ko ng bulag nyang mata "Ahhh kaya pala?"
"Anong kaya pala?"
"Malakas kasi ang pakiramdam kong payat kang babae,bukod don mukang hindi ka rin katangkaran" Aniya kaya napahinto ako sa pagsubo saka sya sinimangutan
"Oo na! Ako na ang pandak sa 5'4 at ikaw na ang matangkad!" Napipikon kong sagot sakanya.tumayo na sya dala ang pinagkainan nya samantalang ako patuloy paring kumakain,sa pagkakatanda ko nakaka-apat na platong kanin na 'ko at this moment
Naglapag sya ng isang piling na saging at inusog palapit sakin.kinapa-kapa nya ang mesa na parang may hinahanap
"Salamat po mamang shaman.!" I shout happily,ng matapos ay napasandal ako sa inuupuan habang himas-himas ang tyan,binuksan ko ang zipper ng pants ko para makawala ang lumalaking tyan sa kabusugan
"BURPPPPPPPP! Oppps sorry!"
"Hindi ka ba talaga nahihiya? Parang 'di ka babae eh" sinubukan pa nyang mang-asar pero hindi ko nalang pinansin,pasalamat sya at binusog nya ko kundi babarahin ko na naman sya.muli syang naupo at naglapag ng isang tasa ng kape
"Salamat ulit,alam mo magnus naisip ko lang.bakit hindi ka na mag-asawa? Alam mo maasikaso ka,isa 'yan sa napansin ko everytime na nagpupunta ako rito.mabait ka naman although minsan may pagka-abnormal ka!" Sabi ko na pabulong pa sa dulo,alam nyo naman,malakas ang pakiramdam at senses ng mga gaya nya
"Binalak ko namang gawin yun ang kaso----
"Anong kaso? Wala bang nagkakamaling lumapit sayo?Hahahaha ikaw naman kasi eh, siguro sinusungitan mo sila? Ni ako rin sinungitan mo noong una tayong magkita. Saka sa totoo lang,kaya siguro walang babaing nagkakamaling magkagusto sayo eh dahil dyan sa itsura mo!"
Muli kong tinitigan ang kabuuan nya.lumang tshirt lang ang suot nya at ripped pants,wala na naman syang sapin sa paa, tapos nakaladlad yung pa-alon nyang buhok na hanggang balikat,ni yung features nung muka nya hindi ko masyadong makita dahil tinatakpan ng balbas at bigote, hindi ba uso sakanya ang salitang ahit?
Yung mga mata ko natulala sa mata nya pababa sa broad nyang shoulders,yung chest nya bakat na sa suot nyang polo,ang ganda kasi nung dibdib nya or sanhi narin siguro ng mabibigat nyang gawain dito sa gubat? Kasi naman wala namang gym dito eh
![](https://img.wattpad.com/cover/175862000-288-k47559.jpg)
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?