"Masama ang pakiramdam ko,sa ibang araw nalang kayo bumalik!"
********************
"May mga nauna na sainyong magpapagamot,sa iba nalang kayo pumunta"
********************
Tinitignan pa lamang kami ng matandang albularyo ng biglang manlaki ang mga mata nito.maya-maya ay pinagbabato na nya kami ni jervish ng kung anong madampot nya
"LAYAS!! LUMAYAS KAYO RITO! BAKA MASAMA ANG BALIK SAKIN! WAG NA KAYONG BABALIK!! LAYAAAAAASSSSSSS!"
*********************
"Naku!pasensya na kayo iho at iha.nakikita kong hindi ordinaryo ang nasayo. Sa iba ka nalang pumunta.!"
"Sir and maam pakiusap po.ayaw po kayong kausapin o ni makita ng nanay ko kaya po umalis na po kayo pakiusap" ani ng dalagang anak ng matandang albularyo kaya wala kaming nagawa kundi ang sapilitang umalis na
*********************
"Masyadong malakas ang nasa saiyo iha.unang pasok mo palang dito ay bumigat ang paligid.mabuti pa umalis nalang kayo.hindi ako ang kaylangan nyo,maghanap nalang kayo ng mas malakas ang kapangyarihan at loob kesa sakin!"
**********************
Kung saan-saan na kami nagpunta ni jervish,inabot na kami ng gabi at narealize na kumakalam na pala ang mga sikmura sa gutom.sa sobrang desperadong makahanap ng albularyong tutulong sa kaso ko ay nakalimutan na namin ni kumain ng tanghalian
Kasalukuyan naming binabagtas ang highway sa quezon ng muling magsalita ang driver sa tabi ko
"Oh ba't ang tahimik mo na? Pagod ka na ba? Kung gusto mo yung last na albularyong kilala ko bukas nalang natin puntahan? Or gusto mo bang kumain na tapos ipagpatuloy nalang natin 'to sa ibang araw ang paghahanap ng tutulong satin?"
Matamlay lang akong nakatingin sa bintana "Hindi na jervish.ihatid mo nalang ako sa bahay ko,kaylangan ko na sigurong magpahinga saka ikaw rin"
"What do you mean?"
"Itigil na natin 'to.nauuwi lang sa wala lahat ng pagod natin eh.tignan mo ng dahil sakin pati ikaw nadadamay at natatakot na rin. Kung may mga nilalang muli ang sasapi sakin wag nalang natin silang pansinin.malay natin kusa nalang silang lalayo kapag hindi ko sila masyadong pinagtutuunan ng pansin"
Inihinto nya ang kotse sa tabi saka ako hinarap "Naririnig mo ba 'yang sarili mo lily? Paano kung imbis na tumigil lalo lang silang manggulo sa buhay mo? Hindi na biro itong nangyayari sayo at hindi natin 'to dapat isawalang bahala nalang dahil buhay mo 'to lily,para sayo itong ginagawa natin,kung iniisip mo 'ko then thank you pero okay lang ako.sayo nga ako mas nag-aalala dahil masasamang ispirito sila at hindi ito biro.this is not some kind of prank na pwede nating balewalain"
"Pero jervish kita mo naman! Lahat na ata ng albularyong pinuntahan natin ayaw tayong tanggapin? Ni tignan ako ng diretso sa mata hindi nila kayang gawin so saan at paano tayo mag-uumpisa? Ayokong mag-aksaya ng oras at pagod sa mga taong wala namang balak tumulong sa kondisyon ko.hindi ko naman sila mapipilit kung talagang ayaw nila,siguro nga miski sila hindi kayang i-handle ang mga nilalang na nakapaligid sakin!"
Tahimik akong humagulgol ng iyak habang nakatakip ang mga palad sa muka.ni hindi ko na talaga alam ang gagawin.parang gusto ko nalang sumuko ng tuluyan
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
