2 years later........
Jervish:
Lily,manuod ka mamaya ng showbiz news,magkakaroon kami ng maikling interview ni nicca sa mga press:)
Napangiti ako pagkabasa ng text message ni vish,minadali ko na ang pagluluto sa popcorn at ng matapos ay agad na akong pumwesto sa sala at binuksan ang tv,doon tahimik akong nanood habang kinakain ang popcorn
"Ito po ang showbiz news ng ating quick flash report at ngayon,magkakaroon tayo ng madaliang interview sa dalawa sa pinaka-sikat na actor and actress of this generation,there they are,ms nicca sanchez at jervish silverio"
Nilakasan ko ang volume ng tv "Magandang umaga po sa lahat ng viewers at sa mga fans namin all over the world" pagbati ni nicca na tinatanguan ni jervish habang nakangiti
"So ito na nga,hindi na kami magpapa-tumpik tumpik.may mga kumakalat na litratos online na magkasama kayo sa iilang events at magka-holding hands and we all want some confirmations kung may namamagitan na ba sainyong dalawa? Marami kasi ang curious sa estado nyong dalawa?
Tumawa muna si nicca saka nya binigay ang mic kay jervish,nagkatitigan pa sila sandali na parang nag-uusap sa mga isip nila "Yes the rumors are true.we're officially dating"
Napa-O ang shape ng bibig ng nagi-interview sakanila at halatang kinilig ito,maging ang mga staffs na hindi man kita sa tv ay napa-yieh dahil sa sobrang kilig
"Wow! Mga fans ng nicvish loveteam congratulations,sigurado akong masaya ang lahat ng fans nyo all over the world dahil sa in-announce nyo,since kayo na may sasabihin ba kayo or message sa mga viewers at fans nyo?"
"First of all,gusto kong pasalamatan ang isang babae,kundi dahil sakanya ay hindi ko maiintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang kuntento at ligaya.sya ang nagparealize sakin na hindi pa huli ang lahat para piliin ang tatahaking landas na gusto mo oh makasama ang taong talaga namang itinitibok ng puso mo,Hi alam kong nanonood ka ngayon,you really inspires me,you're one of the bravest and kindhearted person that i've ever known and i just wanted to say thank you dahil naging parte ka ng buhay ko,you're my idol"
Napangiti ako pero tumutulo ang luha sa mga mata,finally masaya narin si jervish at nagpakatotoo na sya sa tunay nyang nararamdaman and i must say,ako na yata ang closes friend nila na pinakamasaya para sakanilang dalawa
"At sa mga fans na naniwala at patuloy na sumusuporta samin,maraming maraming salamat sainyo.pinapangako namin ni nicca na hindi namin kayo bibiguin sa lahat,at mamahalin pa namin ang isa't-isa bilang one week officially couple"
Marami ang kinilig,maging si nicca ay namula kaya hinampas nya ng mahina si jervish sa braso at pilit tinatago ang nagbublush na muka sa likod ng partner
"Muli,ito po si Anna Reyes para sa mainit-init na showbiz news, tutok lang para oras-oras ay may balita kayo sa inyong mga idols"
Pinatay ko na ang tv at pinunasan ang luha,kinuha ko ang phone sa bulsa ng muli itong tumunog at text ni jervish ang bumungad
'Napanood mo ba yung short interview samin? Meron pa kaming interview sa isang buong segment sa isang sikat na show sa sabado.nood ka ulit ha? Aasahan ka namin ni nicc ;)'
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
