"Hi ate lily!"
Nakatitig parin ako kay eclipse na hanggang ngayon ay kumakain.hindi kasi talaga ako makapaniwalang nagiging tao ang pusang 'yun eh
"Lily? Ayos kalang ba?"
"Ah-ha? O-oo naman a-ako pa"
"Bakit ang tahimik mo? Akala ko kung napapano ka na"
Tumabi sakin si eclipse at gaya ng lagi nyang ginagawa ay tinitigan na naman nya 'ko "Mas doble ang ganda mo kapag sa mata ng tao ka titignan,iba kasi ang kulay at hugis nyong mga tao kapag tinitignan sa mata naming mga pusa"
I blinked twice "Grabe! Ang cute mo pala talaga eclipse.para kang anak ng amerikano"
"Alaga kasi ako ng mga engkanto ate lily,binigay ako kay master para may katulong sya sa pagiging isang shaman na nagpapa-alis ng mga masasamang espiritu at makipag-kominukasyon sa iba pang nilalang sa kabilang mundo"
"Maya-maya lang ay babalik na sya sa pagiging pusa kaya kung may gusto kayong gawin,gawin nyo na" sabi ni magnus kaya napatingin ako sakanya
"Bakit ang bilis? Hindi ba pwedeng umabot ng araw?"
"Pinaka-matagal na inaabot ng pagtatransform nya bilang tao ay dalawang araw lamang,pero hindi ko muna sya pinapatagal ng ganun kasi baka ikapahamak nya" Napanguso ako,psh! Ang kj ng among 'to.kung ako si eclipse nilayasan ko na sya eh
"Anong gusto mong kainin eclipse? Marami akong chocolate sa ref?" Tatayo na sana kami ng bata at hawak ko pa sya sa kamay ng pigilan kami ni magnus gamit ng baston nyang patpat,nakaupo pa sya sa sofa habang tulala
"A-aray ano ba magnus?! Yung patpat mo---
"Wag na wag mong pakakainin ng chocolate si eclipse kung ayaw mong mamatay sya,kahit ganyan ang anyo nya pusa parin 'yan,alam mo bang bawal na bawal sakanila ang chocolate?" Natigilan ako at hinila nalang muli paupo ang bata sa sofa
"Ate lily,master.gusto ko ng patatas.meron ka?" Napangiti ako saka ginulo ang buhok ng bata
"May mashed potatoe ako dun sa ref,kainin mo na" Sabi ko kaya yung bata nagpaalam na pupunta sa ref,tuwang-tuwa akong pinagmamasdan ang bata "Magnus,siguro naman pwede sya sa patatas?" Baling ko sa katabi
"Oo pwe--
Natigilan sya kaya nagtaka ako,nagdiretso ako ng upo saka sya sandaling pinagmasdan,nagulat ako nung makita ko yung pupil nyang mahaba biglang nag-dilated,yung noo nya kumunot
"Magnus ayos ka lang?" I called him trying to destroy him from his deep thoughts pero hindi ako nagtagumpay
"Yung kasintahan mo---ano ang huli nyong pinag-usapan?" Biglang tanong nya kaya ngumisi ako
"Aba! Aba! Kaylan ka pa nagkaroon ng interes samin mamang shaman?"
"LILY!"
I raised both my arms as sign of defeat "Nagtext sya sakin at calls kagabi telling na patawarin ko na sya sa kung ano man ang nagawa nyang masama na hindi daw nya alam kung ano. Paulit-ulit na tipong gusto ko narin syang patawarin dahil hindi ko naman sya matiis"
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasíaMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
