chapter25

509 18 0
                                        

Dahil sa ginawa namin ay inabot na kami ng umaga and we've been just decided to eat breakfast at six




Habang nagluluto ako ng pancake ay may kumulbit sa binti ko,ng yumuko ay nakita ko si eclipse sa anyong bata kaya agad akong lumuhod para makapantay sya





"Magandang umaga eclipse.grabe! Nagugulat parin talaga ako kapag nakikita kita sa ganyang anyo.mapa-pusa oh tao ang cute mo"




I pinch his pink blushy cheeks kaya nag-eyesmile sya "Kayo rin naman ate lily,ang ganda-ganda.kamuka nyo po talaga ang inyong ama" Dahil sa binanggit nya ay nawala ang ngisi sa labi ko





"Have you seen my dad in person?" I asked habang binabaligtad yung pancake,kinarga ko sya para makaupo sa sink,when i glance at him isang titig lang ang pinukaw nya sakin dahilan para matulala ako sa blue-brown nyang eyes




"Ibang ama mo ang tinutukoy ko ate,hindi ang kinikilala mong ama mong mortal kundi ang tunay mong ama,ang kaso ate sabi ni master hindi ko pa po pwedeng ibanggit sayo dahil bahala na raw ang tadhanang magpaalam sayo" Napatingin na sya sa niluluto ko.ako naman ay natulala dahil sa mga sinabi ng bata--este pusa sa harap ko bakit alam nyang ampon ako?





Nabalik ako sa wisyo ng kalabitin akong muli ng bata "Ate,yung niluluto mo sunog na"




Nanlaki yung mata ko at agad na inalis yung pancake na nangingitim na at umuusok sa pan.napakamot ako sa ulo habang si eclipse tumatawa "Para po ba 'yan kay master?"




Tumango ako at muling hinalo ang mixture sa panibagong pan dahil yung gamit kong pan kanina eh nangitim dulot ng pagkakasunog.hayys lily lutang ka kasi eh





"Kung pancake po ang almusal ni master ano pong sainyo?" Napangiti akong sumulyap kay eclipse,para lang talaga syang ordinaryong bata na mataas ang kuryosidad at hindi mo aakalaing isa syang pusa na pagmamay-ari ng engkanto





"Carbonara na iinitin ko dyan sa microwave--ah teka! Since nandito ka na munting anghel anong gusto mong kainin?" I beamed at him





"Pwede nyo po ba 'kong hulihan ng daga?" Inosenteng tanong nya kaya napangiwi ako at muling kumamot sa batok




"A-ano kasi--- a-ano





"Hahaha nagbibiro lang po ako,gusto ko rin pong tikman ang carbonara." Aniya kaya nakahinga ako ng maluwag.i patted his head





"Okay dadamihan ko yung carbonara para hati tayo and then titimplahan kita ng milk.sabay na tayong kumain na tatlo"




Bumaba sya sink,akala ko kung ano ang gagawin nya.the next thing he do surprises me,he's now hugging my waist at nakatingala sakin "Salamat po,para kang mama ko!"




Mama nya? Nakakataba ng puso,ang kaso---muka rin ba 'kong pusa?

..........................................................



Magkatabi kami ni eclipse habang si magnus ay nasa harap namin at tahimik na kumakain,ng may maalala ay tinanong ko ang kaharap




"Ahm magnus?"




"Bakit?"





"Pwede ka bang magkwento ng tungkol sa sarili mo? Matagal na tayong magkasama pero ni nangyari sayo dati eh hindi ko pa alam"  kinapa nya yung maple syrup at ng mahawakan ay agad nyang binuhos sa pancake nya.muntikan pa nga nyang maibuhos sa labas ng plato mabuti at inagapan ko




Shaman: The Lost ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon