"Hermy!"
"S-sino 'yan?"
Biglang sumulpot si tom cruise look-alike sa harapan ko.matagal ko na syang hindi nakikita sa panaginip ko simula ng makilala ko si magnus,mukang tama nga talaga ang sinabi ng shaman ko.
"Uy! Ikaw pala.long time no see"
"Lumayo ka sa lalaking yun!"
I blinked repeatedly "Sino na naman? At bakit mo ba ko pinapalayo sa mga lalaki? Lalaki ka rin kaya pwede ba kitang layuan?"
Kumunot ang kanyang kilay na isang linya lamang "Ang shaman na yun! Layuan mo sya..wag mong hayaang gumawa na naman ako ng hakbang para muli kayong paglayuin!"
Muli? Paglayuin?
"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita naiintindihan!"
May umilaw sa harap ko kaya sandali akong napapikit,ng idilat ko ang mga mata ay bumungad sakin ang isang patay na ibon,ito yung dating ibon na napanaginipan ko na sobra sa ganda
Kinuha nya iyon at niyakap "Ito ang iyong ina.ang aking asawa na namatay dahil sa kagagawan ng mga taong 'yan kaya layuan mo sila dahil hindi mo magugustuhan ang mga kaya kong gawin!"
"Ano ba---
Napabalikwas ako ng bangon sa kama,naupo ako habang sapo ang mukang pawisan,bakit napanaginipan ko na naman sya? Magi-isang linggo na kasi akong hindi nananaginip ng weird simula ng magkakilala kami ni magnus
Itinaas ko ang long sleeve ng suot kong night dress at tinignan ang ginuhit ni magnus malapit sa pulsuhan,nabura na ito marahil sa tapos na ang oras ng epekto,mukang kaylangan kong agahan bukas para magpalagay muli ng 'seal'
Tumayo na lamang ako para kumuha ng tubig sa kusina.naglalakad pa lang ako sa mahabang pasilyo ng mapahinto.nanlaki ang mga mata ko ng matanaw sa dulo ng hallway papuntang kitchen ang isang red figure na mukang halimaw.automatic na umatras ang mga paa ko pabalik sana sa kwarto ko
"Hermy!" Nanginig ang mga kalamnan ko dahil sa boses nitong parang sa demonyo.dahan-dahan ang pag-abante nya papunta sakin habang ako naman ay sige sa pag-atras
"HEEEEERMYYYYYYYY!"
"AAAAHHHHHHHHHHHHHH!"
Sobrang bilis na nyang nakalapit sakin,i screamed at the top of my lungs at wala ng pakialam kung mabulabog sa lakas ng sigaw ko ang mga natutulog na kapitbahay.ng maramdaman ko ang pagyakap ng malamig ngunit mabahong usok ay tuluyan ng nanghina ang mga tuhod at sa mismong kinatatayuan ay nawalan na 'ko ng malay-tao
.........................................
"May problema ba?"
Napatingin ako kay mamang shaman dahil sa itinanong nya,nakakailang tanong na sya ng ganyan pero hindi ko sya masagut-sagot
"Wala 'to.kulang lang ako sa tulog"
"Base sa aura mo hindi ka maayos,may nangyari ba? Balisa ka kasi eh"
"Dinalaw na naman ako kagabi ng mga hindi matahimik na nilalang at trip na naman nila ako.nawala na kasi yung epekto nung ginuhit mo kaya ng mawala yung bisa eh nakalapit na naman sila sakin"
His brows met "Hindi na 'ko magtataka,lapitin ka talaga"
Kumapit ako sa braso nya "You have to move to my house as soon as possible magnus,ngayon na kayo lumipat sa bahay para may kasama ako."
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasyMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
