"MAGNUS!?"
Napaigtad ako sa gulat dahil sa sigaw ni Izrah,yung muka nya kasi gulat na gulat
"Nagdalaga ka na't lahat maingay ka parin" Komento ni magnus habang tatawa-tawa,pati si aling tere ay natawa narin samantalang ako nagtataka
"OMG!! is it really you magnus? How come hindi kita nakilala? Grabeh! Ibang-iba na sa itsura mong bata dati na patpatin,"
"Ganun naman talaga apo lalo na kapag lalaki,kapag umaabot na sa puberty stage eh marami ng nag-iiba sakanila,tignan mo si magnus hindi ko rin nakilala kanina kasi ibang-iba sa itsura nya nung mga musmos palang kayo"
Napansin kong sandaling nangapa si izrah ng sasabihin nya sa katabi ko,pakiramdam ko kasi may something eh
"Uhm--magnus if you don't mind me asking this to you uh--may asawa ka na ba ngayon? Or kahit girlfriend?"
Ako lang ba or tama ang kutob kong something kay izrah?
Simpleng ngiti lang ang tinugon ni magnus sakanya "Kilala mo naman ako diba? Alam mong simula ng makilala ko si One hindi ko na sya pinalitan,hindi ko sya papalitan kaylanman at dapat alam mo yun dahil magkababata tayo at kilalang-kilala mo 'ko? Nagkalayo lang tayo ng ilang taon parang nanibago ka sakin?"
Napakagat ng labi si Izrah at nilaru-laro ang mga daliri nya sa kamay,parang isang babaing hirap umamin ng feelings sa crush nya?
"So hanggang ngayon hindi mo parin pala nakakalimutan si one? Akala ko kasi nawala na sya sa isip mo since mga bata pa tayo ng una natin syang na-meet," She said trying to cheer herself seryoso? May gusto ba sya sa katabi ko? Pangit ang taste ni izrah! Mahilig pala sya sa mukang ermitanyong makisig?
Sandali nyang tinitigan si magnus tapos halatang nagulat sya,lumapit sa pwesto namin at aamba na tusukin ang mata ni magnus,paulit-ulit nyang ginagawa kaya na-weirduhan ako,napabuntong hininga sya ng malalim ng makitang wala manlang reaksyon ang shaman sa ginagawa nito sakanya.nanatiling tulala ang tingin
"You're blind?" She asked almost crying
"Oo!"
"Kaylan pa? Dahil ba 'to kay one?" Okay medyo naa-out of place na kami ni aling tere----or baka ako lang since mukang may alam si aling tere sa pinag-uusapan nila
"Matagal ng wala sakin ang paningin ko pero hindi ko kaylanman sinisi si one, sa katunayan masaya ako dahil kahit bulag ako atleast ito ang patunay na pinaglaban ko sya sa mga magulang nya"
Napakuyom ng mga kamao si izrah at bakas ang kakaibang galit sa muka nya "Shaman si kuya jose bakit hindi sya nakagawa ng paraan? Tapos ano? Ikaw na ngayon ang pumalit sa pwesto nya? Alam natin kung gaano kapanganib ang ganyang uri ng gawain diba? At alam din nating nananatiling nandyan lang ang pamilya ni one,paano kung maisipan nilang ikaw naman ang puntiryahin?"
"Izrah pinili ko 'to.mahal na mahal ko si one kaya---
Nahampas ni izrah ang mesa kaya nagulat kaming tatlo "Mahal? Lintek na pagmamahal yan magnus.meron naman kasing iba dyan kung bakit mas pinili mong umibig sa anak ng engkanto!"
Natigilan ako at gulat na napatingin kay izrah,si aling tere halatang may alam samantalang si magnus ay nanatiling tahimik sa tabi ko
BINABASA MO ANG
Shaman: The Lost Child
FantasíaMadalas managinip si Lily ng kakaibang pangyayari at sa t'wing magigising sya, natatagpuan nya ang sarili sa isang lugar na may kaugnayan mismo sa kanyang panaginip Will Lily uncovers the truth behind her weird dreams?
