CHAPTER 14

12 3 0
                                    

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama, pagod na pagod ang katawan dahil sa sunod sunod na event na ginanap sa school. At kung tatanungin niyo ako kung sino ang nanalo sa Miss and Mr. Intramurals namin wag niyo na akong tanungin kase pagod ako at nakakatamad magsalita.

Bumangon ako sa kama at dumiretso sa loob ng banyo para maglinis ng katawan, pagkatapos kong maglinis ng katawan ay agad din akong humiga at nakatulog agad dahil sa labis na pagod.

Kinaumagahan ay nag-ayos ako para pumunta sa Headquarters namin para pag-usapan ang pagbaba namin sa pwesto. Naisip kong tama na ang ilang taon na nilagi namin sa loob at oras na para magpahinga kami. Marami na ang nasayang na buhay at mga nalagay sa alanganin ng dahil sa pagiging isa namin sa grupo na iyon, wala akong pinagsisihan ni isa sa mga ginagawa ko. Nakapatay ako dahil may sapat na rason ako at tama lang din sa kanila yun dahil buhay din ang kinuha nila sakin.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Uno?" tanong sakin ng kasalukuyang pumapangalawa samin ngayon at kung aalis kami ay sila na ang mapupunta sa pwesto namin.

"Oo Dos, alam kong maayos sa kamay niyo ang iiwanan namin. At sa oras na may gawin kayong hindi ko nagustuhan babalik kami at kami ang tatapos sainyo." Seryosong banta ko sa mga ito. Sampung grupo ang andito ngayon sa kwarto para sa pag-alis namin. "Aalis kami pero hindi mapuputol ang koneksyon namin dito Dos kaya lahat ng mangyayari dito ay malalaman at malalaman namin, isa pa rin kami sa mga pinakamataas ang naging kontribusyon sa samahang ito Dos" sabi ko dito at isa isang tiningnan ang mga nandoon.

Hindi lahat ng mukha sa kwartong ito ay pamilyar sakin dahil minsan ko lang silang Makita at magkasama lalo na ngayon at walang suot na mga maskara ang mga Nandito ngayon. Lahat babae walang lalaki dahil nahahati sa dalawang pangkat ang samahan. Mga lalaki at mga babae at hindi ko pa nakikita ang mga nasa kabilang pangkat.

"Ako si Isabel Claire Lee idinideklarang ang grupo ng nasa pangalawang pwesto ang papalit sa pwesto ng nasa unang pwesto." Sambit ko tumayo na para umalis. Wala na akong oras para manatili sa loob ng kwartong yun. Sumunod naman sakin sina Allysa na gulat pa rin hanggang ngayon.

"Seriously Isabel? Anong nanyari at bigla mong naisip na umalis? Ha?" tanong sakin Allyssa habang naglalakad kami palabas.

"It's time for us to take a break. Para magkaroon na tayo na tahimik na buhay at mas lalong madagdagan ang oras para magsaya." Sambit ko habang nangingiti, marami na silang pinagdaanan at alam kong gusto na nila ng normal na buhay.

"Are you real Isabel? I love you na talaga." Sagot naman ni Lisa habang tumatalon talon. Masaya ako para sa kanila.

"So?... Let's go and have fun!" sigaw naman ni Jennie habang tumatalon talon, lalo namang lumapad ang ngiti ko.

"Let's goooo!" sabay sabay na sigaw namin.

To be Continued...

Magic Emotion(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon