Final Chapter

4 2 0
                                    

Hello everything! HAHAHAHA so ayun after how many years natapos ko na din itong kwento na to. I want to say thank you sa mga nagbabasa at magbabasa pa nitong kwento na to, Thank you sa inyo lalo na sa mga silent readers, I really appreciate it💕.
Happy reading!😘

"For you it's love but for me it's a magic emotion"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa mukha ko. Napaka attitude naman!

"Buti naman at nagising ka na sa panaginip mo Modesta" saad ng nanay niya habang nakapa mewang sa harap niya. Umirap siya sa hangin at padabog na tumayo sa kama.

"Mama naman eh! Bakit kailangan mo pa akong buhusan ng malamig na tubig? Pwede namang gisingin ng maayos eh!" sigaw niya habang nagpapadyak sa taas ng kama.

"Aba'y wag mo akong sinisigawan Modesta ha!" sigaw pabalik ng nanay niya sa kanya.

Napairap naman siya sa hangin dahil sa inis.

"Nandun na mama eh! Happily ever after na kami eh! Tapos... Tapos umepal ka pa! Nakakainis naman mama eh!" sigaw niya ulit habang nagmamaktol.

"Isa pang sigaw Modesta malilintikan ka talaga sakin! Ibabato ko na talaga sayo itong timba! Ikaw na bata ka! Ayan ang napapala mo sa pagbabasa mo jan sa wattpad wattpad na yan! Hindi nangyayari sa totoong buhay ang mga nasa kwento Modesta! Gumising ka na sa kahibangan mo!   Kaya tumayo ka na jan at maglalakho pa tayo ng mga kakanin! Naku nakung bata ka." umirap lang siya sa hangin at padabog na bumaba sa higaan niya.

Dumiretso siya sa harap ng salamin at tinitigan ang sarili. Mapait siyang napangiti ng makita ang kabuuan ng sarili niyang mukha.

"Sino nga ba namang magkakagusto sakin tulad ng mga nasa kwento na ganun kayaman at gwapong nasa panaginip ko? Eh yung mukha ko hindi ko na maintindihan kung mukha pa ba ng tao to. Doble kara nga talaga ako, at pati ikaw na ngipin ka sumabay ka pa!" saad niya habang sinisipat ang sarili sa salamin.

Napangiti na naman siya ng maalala ang panaginip niya. Parang totoong siya ang babae na nasa panaginip niya, malamang nga na siya iyon dahil panaginip niya yon. Pero parang totoo iyong nangyari dahil memorya niya ang lugar kung saan natapos ang panaginio niya.

"Siguro ay anak ako ng isang mayaman na negosyante tapos naaksidente ako at nagkaroon ng amnesia." bulong niya sarili niya habang salubong ang mga kilay.

"Pero may pangit ba na anak ng isang mayaman?" tanong niya sa sarili niya.

"Kung meron man ay ikaw yun Modesta peri malabong mangyari dahil paano mangyayaring magkaroon ng isang anak na panget ang dalawang maganda at gwapong mayamang mag-asawa diba? It's impossible."

Biglang may nagsalita sa likod niya. Napalingon siya dito at agad na napangiti dahil sa dumating.

"Kahit kailan talaga ay panira ka ng moment Luis" pairap ngunit nakangiti niyang saad dito.

Kumpara sa kanya, si Luis ay anak mayaman at syempre halos perpekto na ang pagkatao. Naging malapit sila sa isat isa dahil nagtatrabaho bilangl hardenero at labandera  ang nanay at tatay niya sa pamilya nito. Gobernador ang tatay nito habang may sariling restaurant ang nanay nito sa ibat ibang bayan.

"I'm here to pick you up." sabi nito habang naglalakad palapit sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya dito habang nagsusuklay.

"I told you yesterday na sasamahan mo akong pumunta sa kabilang bayan para mamili ng pagkain for the street children." salubong ang kilay na sagot nito sa kanya.

Napapitik siya sa hangin at alanganin na ngumiti dito.

"Nakalimutan ko Luis hehehe, pis yow!" naka peace sign na sagot niya dito.

Lumapit sa kanya si Luis saka pinitik ang noo niya. Ouch! Gagong Luis.

"Get dressed. I will you for you outside, ipinagpaalam na kita kay tita Yolanda ang she already said yes." saad nito bago tumalikod at naglakad palayo.

"Sasamahan ko pa si mama na magtinda ng mga kakanin Luis." habol niya dito habang kinakamot ang sariling ulo.

Bakit niya ba kasi nakalimutang may lakad sila ngayon? Tumingin sa kanya ng masama si Luis at saka napabuntong hininga.

"Diba sabi ko kanina ay ipinagpaalam na kita? Kaya move faster and get dressed. Your pissing me off lady." sagot nito sa nagpapasensyang tono habang kunot ang noo.

"Pero kasi baka magalit si nanay..." mahinang saad niya habang nakayuko.

Narinig niyang bumuntong hininga si Luis bago nagsalita. "Magbibihis ka na o ako pa ang magbibihis sayo? You choose Modesta." seryosong saaf nito sa kanya habang nakapamulsa.

"Gago! Lumabas ka na nga lang!" sigaw niya dito sabay tulak palabas.

Nang tuluyang makalabas si Luis ay humarap ulit siya sa salamin at inalala ulit ang panaginip niya.

Masyado ngang malabong mangyari yun sa totoong buhay at mas malabong siya din yung babae dun. Siguro ay nasobrahan na nga talaga siya kakawattpad kaya kung ano ano na lang ang napapanaginipan niya. Tama nga ang nanay niya baka kailangan na nga muna niyang tumigil  sa pagwa wattpad dahil baka mabaliw na nga siya ng tuluyan. Pero baka ganun din kaganda ang love story niya? Yung mala wattpad na live story kumbaga, Eh! wala nga nun sa totoong buhay Modesta! gumising ka nga sa kahibangan mo!

"Modesta! Ano ba't ang bagal mong kumilos jan? Pagong ka ba? Bilisin mo na at naghihintay si Luis dito, mahiya ka naman!" sigaw ng nanay niya mula sa labas.

"Eto na nga! Malapit ng matapos! Excited ka naman mama eh!" balik na sigaw niya dito.

"Ayusin mo ang pananalita mo Modesta at baka putulin ko yang dila mo! Kanina ka pa!" muling sigaw ng nanay niya mula sa labas.

Umirap na lang siya sa hangin at nagsimulang ayusin ang kanyang sarili habang kumakanta.

"You can call it love but I'm gonna call it the magic emotion..."

The End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magic Emotion(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon