CHAPTER 24

3 1 0
                                    

Habang nasa byahe sila ay hindi humiwalay si Michael sa tabi niya, kahit anonh pilit niyang alisin ang mga braso nitong nakayakap sa bewang niya ay hindi nito iyon binibitawan. Para na silang mag-asawa sa posisyon dahil nakayakap si Michael sa bewang niya habang nakasubsob ang mga mukha nito sa leeg niya na nagdudulot ng kaunting kiliti dahil sa mainit na hininga nito.

"You're so annoying Michael" singhal niya dito dahil halos kalahating oras na itong nasa ganoong posisyon.

Simula ng umalis sila sa bahay nito ay ganon na ang posisyon nito. Hindi niya alam kung paano niya ito natagalan kahit nangangalay na siya.

"I love this position, I like the smell of your neck." nakangiti nitong tugon sakanya, napairap na lang siya at itinuon ang atensyon sa labas ng sasakyan.

Ang mga kaibigan niya panay ang tingin sa gawi nila pero hindi naman umiimik at panay lamang ang hagihikan ng mga ito sa unahan. Nasa likuran kase sila ng SUV na gamit nila kaya kailangan pang lumingon ng mga kaibigan nila para makita sila. Michael choose to sit at the back, sigurado siyang dahil ito sa ginagawa nito ngayon.

"Wag mong singhutin ng singhutin ang leeg ko, hindi ako shabu" muling saad ko dito dahil sa pagsinghot na ginagawa nito.

"Hindi ka naman shabu pero bakit nakaka adik ang leeg mo?" sagot nito sakin habang patuloy sa pagsinghot sa leeg. Para na siyang asong ulol sa ginagawa niya. Peste!

"Tigilan mo ko sa mga banat mong hilaw, hindi ako madadala niyan. Isa pang singhot at tatalsik ka palabas ng Van na to." banta ko dito at pilit na namang inalis ang mga braso nito sa bewang ko.

Ang pisting yawa! Ayaw talagang tanggalin dahil mas lalo lang iyong humihigpit kapag tatanggalin na niya. Nauubos na ang lakas niya dito dahil kanina pa niya itong pilit na inaalis sa bewang niya.

"Saan tayo unang pupunta?" tanong ko dito ng tumigil ako sa pagtanggal ng braso nito sa bewang ko.

"Kawa-Kawa hill." sagot nito sakin habang nakasubsob parin ang mukha sa leeg ko.

Napatango na lang ako at tumingin sa unahan. Napangiti ako ng makitang nakangiting nagkwe-kwentuhan ang mga kaibigan namin, kung dati ay panay sila bangayan heto at magkakasama silang lilibangin ang mga sarili. Nakikita niyang hindi lang masaya kundi masayang masaya ang mga kaibigan and she's very happy because of that, kung hindi nila nakilala sila Michael ay hindi ng mga ito mararanasang ngumiti ng tunay at hindi peke.

"Thank you." baling niya kay Michael.

"For what?." tumingin ito sa kanya ng salubong ang kilay. Ngumiti siya dito at mabilis na hinalikan ang pisngi nito. Nakita niya kung paano ito nagulat dahil sa ginawa niya.

"Kase dumating ka buhay ko. Hindi lang ako ang napasaya mo pati mga kaibigan ko ay napasaya mo dahil sa mga kaibigan mo. So, Thank you for that." nakangiti niyang sabi dito.

Magic Emotion(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon