CHAPTER 15

15 3 0
                                    

Umiikot na ang paningin ko dahil sa kalasingan pero sige pa rin kami ng sige nila Allyssa sa pag-inom minsan lang to kaya dapat sulitin. Nasa gitna na kami ng dancefloor nila Allyssa at sayaw ng sayaw ng may himigit samin, kahit naman lasing na ako kita ko parin nangyayari. Napangiti naman ako sa humigit sakin dala na rin ng alak.

"What do you think your doing? Lasing ka na tapos nagsasayaw ka pa sa gitna! And for petes sake ang ikli ng suot mo Claire!" matigas na saad sakin nito habang hawak ako sa palapulsuhan. Ngumiti ako dito at hinawakan ito sa mukha.

"We're just having fun. Chill... I know what I'm doing" sagot ko dito at alam kong lasing na talaga ako. Nakita ko namang umigting ang panga nito sa sinabi ko.

"What if someone harm you here? Do you think you can fight with them in your case huh?" seryoso at matigas na saad nito.

Sumubsob naman ako sa dibdib nito dahil hilong hilo na talaga ako dahil sa kalasingan. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga at nagsalita ulit.

"I will take you home come on." Sambit nito sabay hila sakin. Pero dahil sa kalasingan ko napasubsob ako sa likod niya. Bumuntong hininga ulit ito at binuhat ako.

Hindi ko na nagawang magprotesta dahil sa halo halong nararamdaman ko. Kalasingan at parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko dahil sa pagkakahawak nito sakin. Hindi ko siya makilala pero alam kong ligtas ako kapag siya ang kasama ko.

Naramdaman kong nasa sasakyan na kami ng maramdaman kong lumapat ang likod sa passengers seat. Umayos naman ako ng pagkakaupo habang siya ay inaayos ang seatbelt ko. Sandali itong tumitig sakin bago pumunta sa driver's seat. Naramdaman kong umandar na ang kotse kaya ipinikit ko na ang mga mata para matulog.

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Tumayo ako habang hawak hawak ang ulo ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Buti naman gising ka na Claire. Sakit ka talaga ng ulo kahit kelan." Sambit ni kuya at umupo sa kama ko, inikot ko naman ang mata ko at nagpatuloy sa pagpunta sa banyo.

"Tshhh, magpasalamat ka kay Michael dahil hinatid ka nya dito, kung hindi dahil sa kanya baka narape ka na. Bilisan mo na jan at mag-aagahan na." sabi nito at tumayo na para umalis.

Siya pala yung lalaki kagabi na kumuha sakin, pshh kahit naman pala konti may bait din yun sa katawan. Pumasok na ako sa banyo para maligo at bumaba na din pagkatapos para sa breakfast.

To Be Continued...

Hello! Sana nagustuhan niyo tong update kahit na maikli lang HAHAHAHA sorry tamad lang ako, oo tamad talaga ako HAHAHAHA. Thank you for reading! See you on the next chapter.

Magic Emotion(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon