Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog sa byahe, nang magising ako ay nasa byahe pa rin kami gaano ba kalayo ang pupuntahan namin at ang tagal bago makarating? Napatingin naman ako kay Michael na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho, napatingin ito sa akin at ngumiti napaiwas naman ako ng tingin dito.
Hindi pa din ako sanay na kasama siya kaya nahihirapan akong makipag usap dito- nagkasama na kami noon pero hindi tulad ngayon na nanliligaw na siya sa akin. Nakakailang ito para sa akin.
"Anong nasa isip mo?" tanong nito sa akin at bahagyang lumingon.
"Nothing... Matagal pa ba tayo?" tanong ko dito sabay tingin ulit.
He smiled "Not really, we are half away I guess? Matulog ka na lang ulit I'll wake you up when we get there." saad nito habang abala pa din sa pagmamaneho.
Sa tingin ko ay hindi na ako makakatulog dahil sa mga tanawin na nakikita, The city was beautiful- well, I guess this is a city? Pero nagkamali ako dahil ng makalayo kami ay nabawasan ang mga nakikita kong buildings, sa halip na mga buildings ang makita ko ay mga nagtataasang puno. When I look outside the windows car nanlaki ang mga mata ko sa nakita, ang daang ito ay nasa gilid ng dagat ngunit mataas ito kaya sa tingin ko malalim na parte ng dagat ang nasa baba at walang sinumang mabubuhay dito kung sakaling mawalan ng preno ang sasakyan na minamaneho. Habang palayo ay pataas ng pataas ang daanan kaya hindi ko maiwasang mapalunok, Yes I am a brave girl but I hate this place it gives me goosebumps.
Napahawak ako sa seatbelt ko at tumingin kay Michael na tutok pa rin sa pagmamaneho. How can he so calm? Fuckkk! Parang gusto ko tuloy masuka sa mga oras na ito.
"M-Michael? Matagal pa b-ba tayo?" tanong ko dito na habang itinatago ang kabang nararamdaman, iniwasan kong wag mautal pero nautal pa din ako dahil sa kaba.
Napatingin ito sa akin "You look pale, What's wrong? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin, pasulyap sulyap ang ginagawa niya dahil nagmamaneho siya."What happened Isabel? You want me to st-"
"Fuck! Don't you dare stop this car. Fuckk! Just fucking focus on the road, I don't want to fall in the sea asshole." sabi ko dito habang nakakapit pa din sa seatbelt.
I don't care if I look stupid right now, Natatakot lang akong mahulog sa dagat na ito dahil alam kong hindi lang tubig ang tatapos sa buhay kundi pati mga pating. I can't imagine myself being the dinner of those sharks, I'd rather choose to be shoot by a gun to death.
"Uhmm... Just calm down ok? Close your eyes." sabi nito sa akin sabay hawak sa kamay ko na nakakapit pa din sa seatbelt.
Naramdaman ko ang init ng palad niya dahil totoong nanlalamig ang kamay ko dahil sa kaba at takot.
"Bitawan mo yung kamay ko, baka mahulog tayo M-michael..." nag-aalalang saad ko dito sabay tingin.
He look at me with a half smile. "Just close your eyes Isabel and let me hold your hand until we get there. Don't worry I'm a professional driver."
Dahil sa sinabi nito ay unti unti kong ipinikit ang mga mata ko habang siya ay hawak hawak ang kamay ko habang nagmamaneho pa rin. Nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman ko. Ilang minuto pa ang lumipas ang naramdaman ko ng huminto ang sasakyan, unti unti kong iminulat ko ang nakapikit kong mata.
"Welcome to Bicol Albay baby..." saad nito habang nakangiti at nakatingin sa akin.
Kaya pala ganun katagal ang byahe dahil sa Bicol ang punta namin, and we are here in Albay the place where Mt. Mayon is located. Hindi ko alam kung ilang beses kong pinangarap ang makapunta dito sa Albay para personal na makita ang Mt. Mayon na sikat na sikat at talagang sinasadya ng mga turista.