Prologue

87 12 3
                                    

Stella's POV

Ako nga pala si Stella Lee, 20 years old. Lumaki ako nang walang kinikilalang magulang o kapamilya at kamag anak. Sa isang bahay ampunan ako lumaki. Nang lumaki na ako at nasa edad 16, nag volunteer ako na mag enroll sa isang korean charity na nag offer nang libreng training sa musika (singing, dancing, playing instruments, composing etc.) At dahil din doon, natuto akong magsalita ng Korean language.

Hindi sa fan ako ng kpop. May mga kilala akong grupo at may iilang sikat na kpop song din akong alam pero Hindi ako ganoon kabaliw sa kpop.

Sumali ako sa training dahil gusto kong maranasan at maramdaman na mahalin ng maraming tao.

Para kasing uhaw ako sa pagmamahal. Naiinggit ako sa iba na buo ang pamilya at masaya. Dito sa pagiging kpop idol lang ako magkakaroon ng chance na mapansin at mahalin ng maraming tao.

Simula noong 16 years old ako, dinala na ako at iba ko pang kasama sa training sa South Korea. Ako lang ang Filipino na nakapasa sa test and observation ng Korean charity sa pinas. Ganoon ako kaditerminadong maging idol.

Sobrang hirap ng training pero tiyaga at diterminasyon lang ang solusyon doon.

At ngayon, heto ako, patuloy sa pagtitraining at may mga kaibigan na ako dito. Naienjoy ko na ang buhay ko dito dahil nararamdaman ko ang pagmamahal sa kin ng mga kaibigan ko dito.

Malaki rin ang pinagbago ko dito. Naging masayahin at friendly ako dito Hindi katulad dati na mas gusto Kong laging nag iisa.

Sa kwentong to, masusubaybayan nyo ang mga pangyayari sa buhay ko.

(Author: Please do support my story. This is only from my imagination and a fiction)

I am in love with an idol!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon